GMA Logo Sunshine Cruz and Jodi Sta Maria
What's on TV

Unbreak My Heart: Hihingi ng tawad si Christina kay Rose

By EJ Chua
Published July 31, 2023 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US, Iran exchange attacks as Trump threatens further escalation
376 Mananagat sa Lapu-Lapu City Nakadawat og Ayuda sa National Government | Balitang Bisdak
Handaan sa Araw ng Kalayaan! (Full Episode) | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz and Jodi Sta Maria


Totoo na kaya ang pagiging mabait ni Christina kay Rose at sa mga kaibigan nito? Abangan sa '#UnbreakMyHeart.'

Habang tumatagal, lalong gumaganda ang mga eksena sa television drama series na Unbreak My Heart.

Ito ay ang seryeng pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Sa bagong episode na ipapalabas ngayong Lunes ng gabi, July 31, hindi dapat palampasin ang muling pagtatagpo ng dalawang mahalagang babae sa buhay ni Matt (Richard Yap).

Sa grand opening ng restaurant ng mag-inang Rose (Jodi Sta. Maria) at Alex (Gabbi Garcia), dadating ang pamilya ni Matt.

Kasama na rito ang bago niyang asawa na si Christina, ang karakter ni Sunshine Cruz sa serye.

Sa pagpunta nila sa restaurant, tila kakaibang ugali ni Christina ang makikita ni Rose at ng kanyang mga kaibigan.

Hihingi ng tawag si Christina kay Rose at sa mga kaibigan nito na nagtatrabaho na rin ngayon sa restaurant na pagmamay-ari ng huli.

Labis namang ikagugulat ng lahat ang paghingi nito ng tawad sa kanila.

Totoo kaya ang mabuting asal na ipapakita ni Christina o gawa-gawa lamang niya ito para muling magtiwala sa kanya si Matt?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood sa bagong episode ng serye sa video na ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

NARITO ANG ILANG LARAWAN NG ILANG UNBREAK MY HEART STARS NANG BUMISITA SILA SA GMA SA GALLERY SA IBABA: