
Bukod sa husay sa pag-arte, isang bagong skill ang tila gustong mas matutunan ngayon ni Joshua Garcia.
Kamakailan lang, ginulat ng Unbreak My Heart actor na si Joshua ang kanyang fans at netizens nang mag-enroll siya sa isang culinary class.
Sa Instagram, ibinahagi ng culinary artist at chef instructor na si Gino Gonzalez ang ilang larawan, kung saan makikita si Joshua bilang isa sa mga estudyante sa kanyang cooking class.
Kapansin-pansin na nag-e-enjoy si Joshua habang nasa isang cooking area sa Center for Asian Culinary Studies sa Maynila.
Ayon sa caption ng chef instructor na si Gino sa kanyang IG post, “Our new student at @cacsmanila, @garciajoshuae. On his 2nd day, he cooked everything from scratch. His first time to cook a paella & it came out really well. More exciting classes coming up and we will guide him through his culinary journey…”
Ilang larawan din ang ibinahagi ni Joshua sa Instagram Stories.
Samantala, kasalukuyang napapanood ang aktor sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.
Mapapanood ang Unbreak My Heart tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.