
Ngayong Huwebes, July 20, sa drama series na Unbreak My Heart, gagamitin ni Lily (Laurice Guillen) ang isang taong malapit sa kanyang apo na si Alex (Gabbi Garcia).
I-impluwensyahan ni Lily ang ex-boyfriend ni Alex na si Franco (Jeremiah Lisbo) na makipagtulungan sa kanya para mangyari ang mga gusto nila para sa dalaga.
Mula kasi nang makasama muli ni Alex ang kanyang Mommy, tila nagbago na ang mga plano ng dalaga sa kanyang buhay.
Mas naging matapang na rin ito at lalo pang nalayo ang kanyang loob sa Zhang family.
Gagawin nina Lily at Franco ang lahat upang siraan si Rose (Jodi Sta. Maria) kay Alex hanggang sa mawalan na ito ng tiwala sa kanyang ina.
Sisimulan nila ang kanilang plano sa pag-iimbestiga tungkol kay Rose at sa naging buhay nito noong nagkahiwalay silang mag-ina.
Dapat abangan ng mga manonood kung ano ang matutuklasan nina Franco at Lily tungkol kay Rose.
Mapaniwala kaya nila si Alex sa mga makukuha nilang impormasyon tungkol sa kanyang ina?
Mapipigilan ba ni Rose ang mga taong gustong manira sa relasyon nila ni Alex bilang mag-ina?
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na ipapalabas ngayong Huwebes sa video na ito:
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG ILANG UNBREAK MY HEART STARS NANG BUMISITA SILA SA GMA SA GALLERY SA IBABA: