GMA Logo Unbreak My Heart Joshua Garcia and Richard Yap
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Magsisimula na ang paghihiganti

By EJ Chua
Published August 28, 2023 12:00 PM PHT
Updated August 28, 2023 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Unbreak My Heart Joshua Garcia and Richard Yap


Sa pagsisimula ng Season 2 ng 'Unbreak My Heart, ipapatikim na ni Matt ang galit niya sa mga nanakit sa anak niyang si Alex/Xandra.

Handa na ba kayong maramdaman ang puot sa puso ni Matt (Richard Yap)?

Sa pagsisimula ng ikalawang season ng pinag-uusapang drama series na Unbreak My Heart na mapapanood ngayong Lunes, August 28, kaabang-abang kung paano ipaglalaban ni Matt ang kanyang anak na si Alex/Xandra (Gabbi Garcia).

Matapos hindi matuloy ang kasal nina Alex/Xandra at Renz (Joshua Garcia), unti-unti nang nagbago ang lahat.

Imbes na nagsasaya ang bawat karakter sa serye, lahat ay tila napilitang magsimula ulit sa kani-kanilang mga buhay.

Habang patuloy na inaalam si Alex/Xandra ang tungkol sa mga bagay na inilihim sa kanya ng kanyang inang si Rose (Jodi Sta. Maria) at lalaking dapat ay papakasalan niyang si Renz, si Matt naman ay mayroong mga plano.

Tila hindi papayag si Matt na basta na lamang palampasin ang ginawa ni Renz sa kanyang anak.

Ano kaya ang gagawin niya kay Renz?

Samantala, may pag-asa pa bang mapatawad ni Alex/Xandra ang kanyang mommy na si Rose?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood sa bagong episode ng serye sa video na ito:

Abangan ang susunod pang intense na mga eksena sa Unbreak My Heart.

Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.