GMA Logo Joshua Garcia and Jodi Sta Maria
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Makausap pa kaya ni Renz si Rose bago siya umuwi ng Pilipinas?

By EJ Chua
Published June 22, 2023 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia and Jodi Sta Maria


Abangan ngayong Huwebes sa 'Unbreak My Heart' kung makakausap at mapipigilan ba ni Renz si Rose bago ito umalis ng Switzerland?

Ngayong Huwebes, June 22, sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, matutunghayan na bago umuwi ng Pilipinas si Rose (Jodi Sta. Maria) ay makikita siya ni Renz (Joshua Garcia) habang nasa sasakyan ang huli.

Upang tigilan na ng Zhang family ang mga kaibigan ni Rose, nagpasya siyang umuwi na ng Pilipinas at doon na lamang ipagpatuloy ang kanyang buhay.

Matapos kasi ang nangyari kay Christina (Sunshine Cruz) na isinisi kay Rose ay muling pinag-initan ng pamilya ni Matt (Richard Yap) ang lahat ng tumutulong kay Rose.

Para hindi na madamay ang ibang tao sa gulo nina Rose at ng Zhang family, agad na siyang nagdesisyon na umuwi na lamang.

Bago ang kanyang flight pauwi ng Pilipinas, hindi inaasahan ni Rose na makikita siya ni Renz, ang kanyang dating naging kasintahan.

Maabutan kaya ni Renz si Rose?

May pagkakataon pa bang magkausap sila umuwi?

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kanya-kanyang buhay nina Renz at Rose?

Narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Huwebes ng gabi:

Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: