
Nito lamang Lunes, May 1, 2023, inilabas na ang full trailer ng pinakainaabangang teleserye na Unbreak My Heart.
Kaugnay nito, mas pinag-usapan sa social media ang lead stars ng serye na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Matapos mapanood ang kauna-unahang teaser na ini-release noong March 31, lalong na-excite ang mga manonood nang masorpresa sila sa ilang sweet scenes ng mga bida sa serye.
Ang full trailer naman ng serye na kaka-release pa lamang, humakot ng positive comments at reactions mula sa television viewers at netizens.
Hindi maikakaila na nagustuhan nila ang buong teaser at hindi na sila makapaghintay sa pagsisimula ng pinakabagong drama series na mapapanood na ngayong buwan.
Narito ang ilang komento ng netizens tungkol sa full trailer ng upcoming series:
Sa darating na May 29, 2023, mapanood na ang Unbreak My Heart.
Ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman sa oras na 11:25 p.m.
Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
Bukod kina Joshua, Gabbi, Richard, at Jodi, kabilang din sa cast sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Bianca De Vera, Will Ashley, Maey Bautista, Sunshine Cruz, Victor Neri, Jeremiah Lisbo, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Mark Rivera, at marami pang iba.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART CAST NA NAKUHANAN SA KANILANG TAPING SA ITALY SA GALLERY SA IBABA: