GMA Logo unbreak my heart
What's on TV

Unbreak My Heart: Mas makikilala na ni Alex si Renz

By EJ Chua
Published July 5, 2023 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

unbreak my heart


Ano kaya ang gumugulo sa isip ni Renz? Abangan sa 'Unbreak My Heart.'

Matutunghayan ang kakaibang ugali ni Renz (Joshua Garcia) ngayong Miyerkules, July 5, sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart,

Matapos malaman ni Renz na ang ex-girlfriend niya pala na si Rose (Jodi Sta. Maria) ang mommy ni Alex (Gabbi Garcia), tila magsisimula nang maguluhan ang kanyan

Sa bagong episode ng serye na may hashtag na #PangambaKayRenz, mapapanood kung paano makikita ni Alex ang tunay na ugali ng kanyang boyfriend na si Renz.

Unti-unting maninibago ang dalaga sa kakaibang ugali ni Renz na hindi niya nakita noon noong sila ay nagkakilala sa Switzerland.

Dahil walang kaalam-alam si Alex sa tunay na ugnayan ng kanyang mommy at ng kanyang boyfriend, iisipin niyang tila hindi niya pa pala lubos na kilala ang binata.

Kasunod nito, ikukwento niya sa kanyang ex-boyfriend na si Franco ang nararamdaman niya sa nangyayari.

Magsisimula na bang magkalabuan sina Renz at Alex? Si Rose ba ang dahilan ng biglaang pagbabago ni Renz?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa isa na namang intense na episode na mapapanood ngayong Miyerkules sa video na ito:

Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: