GMA Logo Eula Valdes
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: May madidiskubre si Vangie

By EJ Chua
Published July 18, 2023 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte urges gov't to 'act now' to make schools safer
Bagyong Francisco nga anaa sulod sa PAR, nagkakusog | Balitang Bisdak
This luxury brand is elevating pet care with dermatology and skin treatments

Article Inside Page


Showbiz News

Eula Valdes


Handa na ba kayo sa sunud-sunod na rebelasyon na malalaman ni Vangie sa #UnbreakMyHeart?

Kaabang-abang ang intense na mga eksenang mapapanood sa Unbreak My Heart ngayong Martes ng gabi, July 18.

Upang makita at magkaroon ng ideya sa bagong magiging buhay ni Renz (Joshua Garcia), pupuntahan ni Vangie (Eula Valdes) ang kanyang anak.

Sa biglaang pagbisita niya sa restaurant na sinabi ni Renz sa kanya, hindi niya inaasahan ang kanyang madadatnan doon.

Isang babaeng pamilyar sa kanya ang maaabutan ni Vangie na kausap ni Renz.

Makikita niyang kausap ni Renz ang dati niyang kasintahan na si Rose, na ipinakilala ng una sa kanyang ina na si Vangie noong sila ay nasa Switzerland pa.

Labis na ikagugulat ni Vangie ang kanyang mga masasaksihan dahil ang akala niya ay wala nang komunikasyon ang isa't isa.

Ano kaya ang maiisip ni Vangie tungkol kina Renz at Rose?

Malusutan pa kaya ng dalawa ang pagkabunyag ng kanilang matinding sikreto?

Paano kaya ipapaliwanag ni Renz sa kanyang ina ang mga nangyayari?

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG ILANG UNBREAK MY HEART STARS NANG BUMISITA SILA SA GMA SA GALLERY SA IBABA: