GMA Logo Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria
What's on TV

Unbreak My Heart: Pagkikita nina Renz, Alex, at Rose, mamaya na

By EJ Chua
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated July 3, 2023 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria


Huwag palampasin ang paghaharap-harap nina Renz, Alex, at Rose mamaya sa 'Unbreak My Heart'.

Ngayong Lunes, July 3, sa bagong episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, mapapanood na ang isa sa mga eksenang pinakahihintay ng mga manonood.

Dapat abangan sa episode na may hashtag na #SorpresaKayRose kung paano malalaman ni Rose (Jodi Sta. Maria) na si Renz (Joshua Garcia) ang boyfriend ng kanyang anak na si Alex (Gabbi Garcia).

Intense na mga eksena ang matutunghayan dahil ang sorpresa ni Alex sa kanyang mommy ay magdadala kay Rose ng labis na kaba at takot.

Inimbitahan kasi ni Alex ang kanyang boyfriend sa dinner kung saan personal niyang ipapakilala si Renz sa kanyang mommy at sa kaibigan nito na si Elsie (Maey Bautista).

Habang naghahanda para sa kanilang bonding, makakatanggap ng tawag si Rose mula kay Luz (Nikki Valdez), at sa puntong iyon, malalaman niya na ang boyfriend pala ng kanyang anak ay ang kanya ring naging kasintahan noon.

Paano kaya haharapin ni Rose ang katotohanan?

Ano kaya ang magiging reaksyon nina Rose at Renz kapag muli silang nagkita dahil kay Alex?

Sina Rose at Renz ay magkakagulatan sa mga mangyayari, habang si Alex naman ay mananatiling masaya at may tiwala sa mga tao sa kanyang paligid.

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa kaaban-abang na episode sa video na ito:

Abangan ang muling pagkikita nina Renz at Rose sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: