GMA Logo Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria
What's on TV

Unbreak My Heart: Renz at Alex, nag-LQ?

By EJ Chua
Published July 6, 2023 7:16 PM PHT
Updated July 7, 2023 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria


Kakayanin ba ni Rose na mamagitan kina Renz at Alex? Abangan sa '#UnbreakMyHeart.'

Sa bagong episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart na mapapanood ngayong Huwebes, July 6, matutunghayan na sunod-sunod na problema ang darating sa buhay ni Renz (Joshua Garcia).

Bata pa lang ay sanay na si Renz sa bawat pagsubok na pinagdadaanan ng kanyang pamilya at mga magulang na sina Vangie (Eula Valdes) at Mario (Romnick Sarmenta).

Kaabang-abang na malalaman na ni Mario ang sikreto ni Vangie tungkol sa naging tunay na ugnayan nito sa boss niya noon sa Switzerland.

Bukod sa problema sa bahay, tila madadagdagan pa ang mga iniisip ni Renz dahil hinahanap na rin siya ng kanyang boss sa ibang bansa.

Masasabay pa rito ang hindi nila pagkakaintindihan ng kanyang girlfriend na si Alex (Gabbi Garcia).

Matapos malaman ni Renz na kumuha ang kanyang nanay ng property at nagbigay ng cash si Alex para rito, labis na nagalit ang binata dahil itinago ito ng huli sa kanya.

Ayon kay Renz, ayaw niyang isipin ng mga tao na ginagamit niya ang kayamanan ni Alex para sa pansarili niyang interes o ng kanyang pamilya.

Hindi inaasahan ni Alex ang magiging reaksyon ni Renz kaya naman nagtuloy-tuloy na ang kanilang pag-aaway.

Kasunod nito, magre-request si Alex na puntahan siya ng kanyang mommy na si Rose (Jodi Sta. Maria) upang maikwento niya ang nangyari.

Para kay Alex ay ang kanyang mommy lang ang makakaintindi sa kanyang nararamdaman.

Hindi dapat palampasin ng mga manonood kung paano iha-handle ni Rose ang problema ng kanyang anak at ng boyfriend nito na dati niyang naging kasintahan.

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa isa na namang intense na episode na mapapanood ngayong Huwebes sa video na ito:

Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: