GMA Logo Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Renz at Rose, magpapanggap na hindi pa magkakilala?

By EJ Chua
Published July 4, 2023 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria


Samahan natin si Rose sa gabing puno ng kaba sa bagong episode ng 'Unbreak My Heart'.

Mapupuno ng kaba at awkwardness ang bahay ni Rose (Jodi Sta. Maria) ngayong Martes, July 4, sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.

Mapapanood sa bagong episode ng serye na makakasama ng mag-ina na sina Rose at Alex (Gabbi Garcia) si Renz (Joshua Garcia).

Si Renz ay ang kasalukuyang boyfriend ni Alex, at siya rin ang dating kasintahan ni Rose.

Bukod sa muling magkikita sina Renz at Rose, makakakuwentuhan din nila si Alex habang nagdi-dinner.

Matutunghayan na ipagmamalaki ni Alex kung gaano kahalaga sa kanya si Renz at kung ano ang mga natutunan niya mula sa binata.

Ibabahagi rin ni Alex ang ilang katangian ni Renz na labis niyang nagustuhan kaya mas napalapit siya rito.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Rose sa mga ikukwento sa kanya ng kanyang anak?

Kaabang-abang din ang sweet moments nina Renz at Alex habang kasama nila si Rose.

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa intense na episode sa video na ito:

Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: