GMA Logo Joshua Garcia
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Renz, uuwi na rin ng Pilipinas?

By EJ Chua
Published June 23, 2023 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia


Sa next episode ng #UnbreakMyHeart, magkakalayo muna sina Renz at Alex.

Sa susunod na episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, matutunghayan ang isang mabigat na desisyon ni Renz (Joshua Garcia).

Dahil sa medical emergency na kakaharapin ng kanyang ama na si Mario (Romnick Sarmenta), kailangang agad na makauwi si Renz sa Pilipinas.

Labis na natatakot ang ina ni Renz na si Vangie (Eula Valdes) sa maaaring mangyari sa kanyang asawa kaya naman hiniling niya sa kanilang anak na sana ay samahan sila nito.

Bago umuwi ng Pilipinas, magpapaalam at ipapaliwanag ni Renz kay Alex (Gabbi Garcia) ang lahat ng nangyayari sa kanyang pamilya.

Maiintindihan kaya ni Alex ang biglaang pag-alis ng binata?

Handa kaya ang dalaga na malayo sa kanya ang lalaking nagsisilbing knight in shining armor niya?

Sa pag-uwi ni Renz, may pag-asa nga bang magkita sila ng dati niyang kasintahan na si Rose (Jodi Sta. Maria)?

Samantala, balikan ang ilang naging kaganapan sa buhay nina Renz, Alex, Matt, at Rose sa episode na ito:

Patuloy na tumutok sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: