GMA Logo Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria in Unbreak My Heart
What's on TV

Unbreak My Heart: Rose at Alex, nagkaroon ng pagkakataon na mag-bonding

By EJ Chua
Published July 7, 2023 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta Maria in Unbreak My Heart


May makakapigil pa ba sa closeness ngayon ng mag-ina na sina Rose at Alex? Abangan sa #UnbreakMyHeart.

Sa nakaraang episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, napanood na unti-unti nang nanunumbalik ang pagiging malapit nina Rose at Alex sa isa't isa.

Nang mag-away sina Renz (Joshua Garcia) at Alex (Gabbi Garcia), agad na pinuntahan ni Rose (Jodi Sta. Maria) ang kanyang anak para damayan ito.

Kasunod nito, napagkuwentuhan nila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Renz at Alex. Dahil naramdaman niyang hindi maayos ang pakiramdam ng kanyang anak, sinamahan ni Rose si Alex at doon na ito natulog sa bahay ng huli.

Inalagaan ni Rose si Alex at nang maging maayos na ang kalagayan nito, muli nilang inalala ang bonding moments nila noon.

Game na game na sumayaw at kumanta ang mag-ina habang sila ay nasa kwarto.

Mayroon mang gumugulo sa isip ni Rose, hindi niya pinalampas ang pagkakataon na makasama at muling maka-bonding ang kanyang anak.

Panoorin ang full episode na ito na ipinalabas nito lamang Huwebes, July 6:

Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: