
Sa ikatlong episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, matutunghayan ang mag-isang pagpunta ni Rose (Jodi Sta. Maria) sa bahay ng Zhang family.
Tila hindi na makapaghihintay pa nang matagal si Rose kaya naman gagawin niya ang lahat makita lang ulit ang kanyang anak sa dati niyang asawa na si Matteo (Richard Yap).
Sa kanyang paglalakbay, hindi niya isinama ang binatang Pinoy na nakilala niya sa Switzerland na si Renz (Joshua Garcia).
Kaabang-abang kung uubra ang tapang ni Rose na humarap sa mayamang pamilya ng kanyang ex-husband.
Hindi rin dapat palampasin kung ano ang gagawin ng Zhang family lalo na ang ina ni Matteo na si Lily (Laurice Guillen) kapag nalaman niyang alam na ni Rose kung saan sila naninirahan.
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood mamayang gabi sa video na ito:
Makikita na kaya ni Rose ang kanyang anak na si Xandra?
May makakapigil kaya sa mga plano ni Rose?
Samantala, ilang karakter ang makikilala na sa serye ngayong Miyerkules.
Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: