GMA Logo Jodi Sta Maria and Gabbi Garcia
What's on TV

Unbreak My Heart: Rose, muling makakasama ang anak niyang si Alex

By EJ Chua
Published June 29, 2023 5:36 PM PHT
Updated June 29, 2023 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jodi Sta Maria and Gabbi Garcia


Abangan sa '#UnbreakMyHeart' ang pinakahihintay ni Rose na mom-and-daughter moments nila ni Alex.

Ngayong Huwebes, June 29, sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, mapapanood ang pagkikita ng mag-ina na sina Rose (Jodi Sta.Maria) at Alex (Gabbi Garcia).

Matapos umuwi ng Pilipinas, hinanap na ni Alex ang kanyang mommy na matagal na panahon niyang hindi nakasama.

Sa bagong episode ng serye, mapapanood ang makabagbag-damdaming pagtatagpo ng mag-ina.

Sa muli nilang pagkikita, ipapaliwanag ni Rose ang bawat pinagdaanan niya habang patuloy niyang hinahanap si Alex.

Mas ipaparamdam pa ni Rose sa kanyang anak na hindi siya tumigil sa paghahanap dito at ginawa niya ang lahat para muli silang magkasama.

Kaabang-abang ang mom-and-daughter moments nilang dalawa na hindi inaasahan ni Rose na posible pa palang mangyari.

Matatandaang nagtungo pa si Rose sa Switzerland at Italy para hanapin si Alex kahit na patuloy siyang hinaharang at pinipigilan ng pamilya ni Matt (Richard Yap), ang dating asawa ng una.

Hindi dapat palampasin ang mga eksena kung saan mapapanood na magkasama na ulit ang mag-ina.

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na ipapalabas ngayong Huwebes sa video na ito:

Patuloy na tumutok sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: