GMA Logo Bianca De Vera and Will Ashley    Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscap
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Samahan nina Jerry at Gwen, komplikado na dahil sa kani-kanilang pamilya

By EJ Chua
Published July 18, 2023 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in DueƱas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca De Vera and Will Ashley    Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscap


Tuluyan na bang iiwasan ni Jerry si Gwen? Abangan sa #UnbreakMyHeart.

Ngayong Martes, July 18, sa pinag-uusapang drama series na Unbreak My Heart, matutunghayan na muling maaalala ni Gwen (Bianca De Vera) ang happy moments nila noon ni Jerry (Will Ashley).

Dahil sa nangyari sa pamilya ni Jerry at negosyo ng kanyang stepfather, kailangan nilang mag-adjust sa kanilang bagong pamumuhay.

Ayon kay Jerry, tutulungan niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paghahanap niya ng trabaho upang mabayaran ang mga naging utang nila.

Nagsimulang maging magulo ang lahat dahil sa lola ni Gwen na si Lily Zhang (Laurice Guillen).

Nang malaman kasi ni Lily na ang pamilya ni Jerry ang tumutulong kay Rose (Jodi Sta. Maria), gumawa ng paraan ang una upang makaganti sa kanila.

Kasunod nito, kinailangan nang umiwas ni Jerry kay Gwen kahit mahirap ito para sa binata.

Ngayong pareho na silang nasa Pilipinas, tila gusto ni Gwen na makita ulit si Jerry ngunit hindi siya nirereplyan nito.

Sa bagong episode ng serye, mapapanood na maaalala ni Gwen ang bonding moments nila noon ni Jerry.

Para kasi sa dalaga, si Jerry lang ang tanging nakakaintindi sa kanya tuwing mayroon siyang problema sa kanyang pamilya.

May pag-asa pa kayang magkaayos ang dalawa?

Kaya bang pigilan ni Jerry ang nararamdaman niya para kay Gwen?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Martes sa video na ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG ILANG UNBREAK MY HEART STARS NANG BUMISITA SILA SA GMA SA GALLERY SA IBABA: