
Patuloy na hook na hook ang Kapuso at Kapamilya viewers sa istorya ng drama series na Unbreak My Heart.
Kabilang sa kanilang sinusubaybayan ay ang mga karakter ng lead stars na sina Joshua Garcia, Gabbi, Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Sa bagong episode ng serye, kaabang-abang na magsisimula nang pagdudahan nina Rose (Jodi) at Alex (Gabbi) si Renz (Joshua Garcia).
Matutunghayan ngayong Miyerkules, July 26, na mayroong madidiskubre si Rose tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Renz na ngayo'y kasintahan ng kanyang anak na si Alex.
Si Alex naman ay mayroong maririnig mula sa kapitbahay nila Renz tungkol sa isang babaeng nakasama raw ng binata.
Magsisimula na rin bang pagdudahan ni Alex si Renz?
Ano nga kaya ang mga sikreto at plano ng binata?
Samantala, mapapanood din na muling pupuntahan si Rose ng nanay ni Renz na si Vangie (Eula Valdes).
May mapala kaya siya sa pakikiusap kay Rose na iwasan at layuan na ang kanyang anak?
Silipin ang ilang eksenang mapapanood sa bagong episode ng serye sa video na ito:
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
NARITO ANG ILANG LARAWAN NG ILANG UNBREAK MY HEART STARS NANG BUMISITA SILA SA GMA SA GALLERY SA IBABA: