What's on TV

'Unbreak My Heart stars' na sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria, bumiyahe na pa-Switzerland

By EJ Chua
Published February 10, 2023 9:52 AM PHT
Updated May 25, 2023 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia and Jodi Sta Maria


Lumipad na patungong Switzerland sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria para kunan ang mga eksena ng 'Unbreak My Heart,' ang historical collaboration ng GMA Network, ABS-CBN at Viu Philippines.

Kasunod ng contract signing, cast reveal, at story conference para sa biggest TV collaboration project na Unbreak My Heart, nasimulan na rin ang taping para sa upcoming teleserye.

Base sa Chika Minute report na ipinalabas sa 24 Oras ngayong gabi, February 9, nauna nang bumiyahe pa-Switzerland sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria, habang sina Gabbi Garcia at Richard Yap naman ay susunod na lamang sa kanila.

Bago umalis ng bansa, ibinahagi ni Jodi sa isang panayam kung gaano siya ka-excited na muling makatrabaho si Richard Yap, na isa rin sa mga bibida sa teleserye.

Ayon sa aktres, “Nae-excite pa ako na gumawa ng mas maraming eksena with him because ito 'yung first serye na pagtatambalan namin na malalim at seryoso 'yung tema. We have a lot of character discussions na ginawa before kaming sumabak sa shoot, maraming consultation. As actors, gumawa rin kami ng sarili naming mga research on our characters para makapaghain kami ng bagong atake.”

Dahil sa ibang bansa gagawin ang ilan sa kanilang mga eksena, ayon kay Jodi ay mamimiss niya ang kaniyang anak na si Thirdy.

Pagbabahagi niya, “Ibang usapan kasi 'yung malayo ka eh, nasa sa ibang kontinente ka, iba 'yung timezone ninyo. 'Yun lang alam ko na sobrang mamimiss ko siya.”

Kasunod ng naging pahayag ni Jodi, ibinahagi naman ni Joshua ang napansin niya sa Sparkle star na si Gabbi Garcia noong unang araw ng kanilang taping.

Kuwento ng tinaguriang This Generation's Ultimate Leading Man, “There's one time, nakita ko siyang umarte, noong nag first day [taping] kami sa Clark, Pampanga, may lalim siya [sa pag-arte] and excited akong makita 'yung ibibigay niya sa akin 'pag nagbigay ako sa kaniya.”

Bukod sa pagtatrabaho, ayon kay Joshua ay plano rin niyang maglibot sa Switzerland at subukan ang ilang exciting activities doon.

Samantala, opisyal na ipinakilala ang star-studded cast ng Unbreak My Heart noong January 23, 2023.

Bukod sa lead stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria, mapapanood din sa serye sina Maey Bautista, Laurice Guillen, Nikki Valdez, Eula Valdes, Will Ashley, Bianca De Vera, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang most anticipated series na Unbreak My Heart na mapapanood sa GMA at Viu ngayong 2023.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH LOOKS NI JOSHUA GARCIA SA GALLERY SA IBABA: