
Sa ika-anim na linggo ng Underage, inilahad ni Chynna sa awtoridad ang panggagahasa sa kanya ni Leo at nakarating ito sa ina ng binata na si Velda, na kaagad na pumunta sa presinto.
Nang makaharap ni Velda ang Serrano sisters, matinding galit ang naramdaman niya dahil sa sinabing rapist ang kanyang yumaong anak. Pinaniwalaan nito na ang magkakapatid ang pumatay kay Leo.
Isa-isa namang kinausap ng mga pulis sina Celine, Chynna, at Carrie tungkol sa pagkamatay ni Leo. Nang malaman ang sitwasyon ng kanyang mga anak, tumakas si Lena mula sa ospital at pinuntahan sina Celine, Chynna, at Carrie sa presinto para makasama ang mga ito kahit hindi pa tuluyang maayos ang kanyang kalagayan.
Nagkaroon naman ng alitan sa pagitan nina Lena at Velda sa ospital dahil sa nangyari sa kanilang mga anak. Nakahanap din ng paraan si Velda upang tuluyang makulong ang mga dalaga.
Isang babaeng social worker ang dumating sa tahanan ng pamilya Serrano kasama ang ilang pulis, na mayroong dalang court order, upang sunduin ang magkakapatid at dalhin sa isang youth detention center habang hindi pa nalulutas ang kanilang kaso.
Sinigurado naman ni Velda na pahihirapan niya ang buhay nina Celine, Chynna, at Carrie sa loob ng juvenile center.
Sa muling pagkikita nina Lena at Velda, nagmakaawa ang una na huwag nang ituloy ng huli ang kaso laban sa kanyang mga anak dahil walang kasalanan ang mga ito sa pagkamatay ng anak nitong si Leo.
Habang nasa loob ng youth detention center ay nakararanas sina Celine, Chynna, at Carrie ng pagmamaltrato mula sa kanilang mga kasama.
Tutukan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Balikan ang mga eksena sa nakaraang linggo ng Underage rito.
Underage: The underage suspects have spoken (Episode 26)
Underage: Lena reunites with her accused daughters (Episode 27)
Underage: Velda's desperate moves to imprison the Serrano sisters (Episode 28)
Underage: The start of a mother's revenge (Episode 29)
Underage: Tough times will be tougher (Episode 30)
Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.