GMA Logo Elijah Alejo
What's on TV

Underage: Ang trauma na pinagdaanan ni Chynna

By Dianne Mariano
Published January 31, 2023 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Malaki ang naging epekto kay Chynna (Elijah Alejo) sa nangyaring pananamantala at pang-aabuso sa kaniya ni Leo (Nikki Co).

Sa ikalawang linggo ng Underage, ninakawan ni Carrie (Hailey Mendes) ng pera si Becca (Yayo Aguila) at tumakas ngunit si Celine (Lexi Gonzales) ang napagbintangan sa kasalanang ito.

Nahuli naman ni Lena (Sunshine Cruz) ang kaniyang bunsong anak na si Chynna (Elijah Alejo) na mayroong ka-video chat na lalaki ngunit nauwi sa 'di pagkakaunawaan ang mag-ina.

Samantala, umalis si Carrie sa bahay ni Becca upang hanapin ang tunay niyang ama, ngunit nahanap din siya ni Celine bago pa ito makalayo. Umamin na rin si Carrie kay Becca na siya ang totoong nagnakaw ng pera nito.

Nakipagkita naman si Chynna kay Leo upang damayan siya sa oras ng kalungkutan ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa una. Pinilit ni Leo ang kaniyang sarili kay Chynna at pisikal na inabuso pa ang dalaga para lamang makuha ang gusto niya.

Matapos ang ginawang pananamantala ni Leo kay Chynna, tumawag ang binata sa dalaga upang kumbinsihin ito na huwag sabihin kahit kanino ang nangyari sa kanilang dalawa. Sinabi rin ni Leo na nagawa lamang nila iyon dahil mahal nila ang isa't isa.

Labis na nagulat naman si Chynna matapos ipakita ni Leo ang kaniyang tunay na kulay. Muli namang nagkrus ang landas nina Celine at Lance (Gil Cuerva) nang ibigay ng huli ang cellphone ng una.

Tila walang malapitan si Chynna sa hinaharap niyang problema dahil sa pang-aabusong ginawa sa kanya ni Leo, na hindi niya malimutan dulot ng malaking epekto nito. Hindi naman mapigilan nina Lena, Celine, at Carrie na mag-alala para kay Chynna at sa pinagdadaanan nito.

Upang makalimutan ang kaniyang mga problema, pumunta sina Chynna at Tope (Vince Crisostomo) sa isang bar ngunit lalo lamang nalagay sa alanganing sitwasyon ang dalaga kaya tinawagan ng binata si Carrie para puntahan ang kapatid nito.

Patuloy na subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Balikan ang mga matitinding eksena sa Underage rito.

Underage: The rebel kid runs away from home | Episode 6

Underage: The abusive boyfriend gaslighted his victim | Episode 7

Underage: The victim's hidden reality | Episode 8

Underage: Chynna faces her problems alone | Episode 9

Underage: Mr. Good Boy helps Celine once again | Episode 10

Mapapanood din ang Underage via Kapuso livestream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.