
Sa unang linggo ng Underage, nagbago ang simple at masayang buhay ng pamilya Serrano dahil sa isang viral video ng magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).
Matatandaan na nagkaroon ng wardrobe malfunction si Chynna habang nagvi-video na sumasayaw kasama ang kanyang mga kapatid sa ilog. Napansin naman ng panganay na si Celine na mayroong lalaking patagong kumukuha sa kanila ng video ngunit nakatakas ito.
Nang mag-viral ang kanilang video online, hinanap ni Celine si Lester, ang lalaking nagpakalat ng video, at sinundan siya ni Delfin (Smokey Manaloto). Hinabol naman ni Delfin ang binata sa daan ngunit nauwi sa trahedya ang buhay nito matapos maaksidente.
Nagkaroon naman ng alitan sina Lena (Sunshine Cruz) at Becca (Yayo Aguila) sa libing ni Delfin, at ibinunyag ng huli kina Celine, Chynna, at Carrie ang sikreto ng kanilang ina.
Sa pag-uusap nina Lena at ng kanyang mga anak, inamin na niya ang katotohanan tungkol sa tunay na mga ama ng kanyang mga dalaga.
Nagmakaawa naman si Lena kay Becca na huwag silang palayasin ng kanyang mga anak sa bahay ng huli matapos ang naging hidwaan nila sa sementeryo. Pumayag si Becca na tumira ang mag-iina sa kanyang pamamahay ngunit kailangan nilang sundin ang kung anumang iutos nito.
Nang dahil sa pagkalat ng kanilang video, nagkaroon ng sisihan sa pagitan ng magkakapatid. Sa kabila ng mga pagsubok na kanyang kinaharap, nananatiling matatag si Celine para sa kanyang ina at dalawang kapatid.
Samantala, unti-unti nang nahulog ang loob Chynna sa social media influencer na si Leo (Nikki Co) habang sinubukan namang hanapin ni Celine ang kanyang tunay na ama.
Patuloy na subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga matitinding eksena sa Underage rito.
Underage: The beautiful and loving Serrano sisters | Episode 1
Underage: The dark secret is finally revealed | Episode 2
Underage: Lena begs for her daughters sake | Episode 3
Underage: The evil auntie strikes again | Episode 4
Underage: The boy and his wicked mother | Episode 5
Mapapanood din ang Underage via Kapuso livestream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: