GMA Logo Underage
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
What's on TV

'Underage,' mapapanood na sa mas maagang timeslot!

By Dianne Mariano
Published February 6, 2023 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds flood-resistant school building in Camarines Sur
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

Underage


Abangan ang mga matitinding eksena sa 'Underage' sa mas maaga nitong timeslot sa GMA Afternoon Prime.

Simula ngayong Lunes (February 6), mapapanood na ang coming-of-age series na Underage sa bago at mas maaga nitong timeslot sa hapon.

Mula sa dati nitong oras na 4:25 p.m., masusubaybayan na ang mga matitinding eksena at plot twists ng naturang programa simula 4:05 p.m., Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Unica Hija sa GMA Afternoon Prime.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Sa pagsisimula ng pinag-uusapang afternoon drama series sa bago nitong timeslot, sunod-sunod na problema ang haharapin ng Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).

Paano kaya masosolusyunan ng tatlong magkakapatid ang iba't ibang hamon na kanilang haharapin?

Patuloy na tumutok sa Underage tuwing weekdays sa oras na 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.