GMA Logo Vince Crisostomo
What's on TV

Underage: Pag-amin ni Tope na siya ang pumatay kay Leo, may one million views na sa Facebook!

By Dianne Mariano
Published April 25, 2023 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up over Catanduanes, part of Camarines Sur due to Ada
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Crisostomo


Marami ang sumubaybay sa pag-amin ni Tope (Vince Crisostomo) na siya ang tunay na pumatay kay Leo Guerrero (Nikki Co).

Matitindi ang mga tagpo na nasaksihan sa nakaraang linggo ng GMA Afternoon Prime series na Underage na talagang sinubaybayan ng mga manonood.

Bukod sa matataas na TV ratings, inaabangan din ng viewers ang mga eksena ng nasabing serye sa social media. Sa katunayan, mayroon nang one million views sa Facebook ang eksena ng pag-amin ni Tope na siya ang tunay na pumatay kay Leo Guerrero.

Ang pag-amin ng binata ay napanood sa 68th episode ng Underage na ipinalabas noong April 21.

Sa naturang episode, matatandaan na hindi nagawang aminin ni Tope sa pamilya ni Chynna ang tungkol sa kanyang nalalaman sa krimen na ibinibintang kay Celine.

Muling tinanong ni Chynna si Tope tungkol dito matapos malaman ng dalaga na baka mailipat ang kanyang nakatatandang kapatid sa totoong kulungan. Dahil dito, biglang umalis ang binata sa kanyang kuwarto at umakyat sa itaas ng ospital.

Hindi na rin kinaya ng konsensya ni Tope ang kasalanan na ginawa niya kaya inamin na ng binata na siya ang totoong pumatay kay Leo.

Samantala, muling naramdaman ni Velda na mag-isa siya sa kinakaharap na mga problema dahil ang asawa niyang si Dominic at anak na si Lance ay patuloy ang pagpanig sa pamilya Serrano.

Balikan ang 68th episode ng Underage sa video na ito.


Patuloy na subaybayan ang mga tumitinding eksena sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Maaaring i-stream ang full episodes ng Underage at ng iba pang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.

KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.