
Sa finale week ng Underage, nagtangkang tumakas sina Celine at Chynna mula sa mga tauhan ni Velda ngunit nabigo ang magkapatid.
Nagawang sagutin ni Velda ang tawag ni Dominic para hindi lumala ang paghihinala sa kanya nito at dahil napaghandaan na rin ng una ang mga posibleng mangyari.
Nakita naman ni Carrie ang kanyang mga kapatid na kasama si Abalante na papasok sa isang kotse kaya sinundan ito ng dalaga at ni Lance. Habang nasa daan ay nakawala sina Celine at Chynna mula kina Abalante at Velda at nagtungo sa isang music festival ngunit nagkahiwalay sila.
Matagumpay naman na nahanap nina Celine at Carrie ang kanilang bunsong kapatid ngunit natunton pa rin silang tatlo ni Velda. Habang nasa gitna ng kaguluhan, sinamantala ni Rico ang sitwasyon para dakipin ang dati niyang nobya na si Lena.
Binawian ng buhay si Rico matapos siyang barilin ni Velda dahil nasa kanya si Lena. Sa pag-uusap nina Velda at Lena, sinabi ng una na gagamitin niya ang huli para makuha niya ang ipinagbubuntis ni Chynna.
Dinala naman ni Velda sina Lena at Becca sa park, kung saan namatay ang anak niyang si Leo. Nang makarating sila sa park, kinausap ni Velda sina Dominic at ang pamilya Serrano sa cellphone at sinabing dalhin sa kanya si Chynna kung nais nilang mailigtas ang buhay ni Lena.
Sa huli, hindi nakuha ni Velda si Chynna at nailigtas nina Dominic si Lena mula sa masamang plano ng una ngunit namatay si Becca matapos sumabog ang kotseng sinasakyan nila ng kanyang hipag.
Nahuli rin ng kapulisan si Velda at dinala sa isang mental hospital. Labis ang lungkot ni Lance dahil sa nangyari sa kanyang ina.
Makalipas ang tatlong buwan, ipinagdiwang ni Celine ang kanyang 18th birthday kasama ang kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay. Matapos ang kanilang mga pinagdaanan, masayang tatakahin ng pamilya Serrano ang buhay dala ang mga aral na natutunan nila mula sa mga pagsubok ng nakaraan.
Balikan ang mga eksena sa finale week ng Underage rito.
Underage: The protective eldest sister vs. the grieving mother (Episode 74)
Underage: Will Carrie discover Velda's crime? (Episode 75)
Underage: The villain keeps on coming back (Episode 76)
Underage: Velda's wickedness continues to grow (Episode 77)
Underage: The Serrano sisters happy ever after (Finale episode 78)
Maraming salamat sa pagsubaybay sa Underage, mga Kapuso!
SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA LEXI GONZALES, ELIJAH ALEJO, AT HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.