GMA Logo Pamana Saving our Heritage GMA
What's Hot

UNESCO World Heritage sites sa Pilipinas, kumusta na nga ba ang kalagayan?

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 8, 2020 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Pamana Saving our Heritage GMA


Noong 2019, binisita ng GMA News and Public Affairs ang anim na UNESCO World Heritage sites ng Pilipinas sa 'Pamana: Saving Our Heritage.' Maayos pa rin kaya ang kalagayan ng mga ito?

Sa kasalukuyan, may anim na United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage sites sa Pilipinas: ang Baroque Churches ng San Agustin, Santa Maria, Paoay, at Miagao, ang Tubbataha Reefs Natural Park, ang Rice Terraces ng Cordillera, ang makasaysayang lungsod ng Vigan, ang Puerto Princesa Subterranean River National Park, at ang Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary.

Pamana GMA

Balikan ang dokumentaryo ng GMA News and Public Affairs na 'Pamana: Saving Our Heritage' sa YouTube channel ng GMA Public Affairs. / Source: marizumali (IG)

Noong 2019, binisita ng mga batikang mamamahayag ng GMA News ang Public Affairs na sina Mariz Umali, Kara David, at Raffy Tima ang tatlong UNESCO World Heritage Sites ng Pilipinas para sa documentary na 'Pamana: Saving Our Heritage' upang malaman ang mga kalagayan nito.

Binisita ni Mariz ang world class tourist destination na Puerto Princesa Underground River at sa diving spot sa Isla Filomena na parehong parte ng Puerto Princesa Subterranean River National Park.

Namangha si Mariz sa ganda ng mga lugar na ito pero nagulat siya nang malaman ang mga problemang kinakaharap ng Palawan, tulad ng coral bleaching, dahil sa epekto ng climate change.

Pumunta naman si Kara sa bulubundukin ng Cordillera upang bisitahin ang hagdan-hagdang palayan.

Kung gaano karaming turista ang nagpupunta rito para sa litrato, ganun din karami ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka rito.

Bukod sa problemang irigasyon, nahihirapan din ang mga magsasaka na makakuha ng magandang ani dahil sa mga pesteng bulate na kinukuha ang nutrients ng lupang pinagtaniman.

Bumalik sa nakaraan si Raffy nang bisitahin niya ang makasaysayang lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur, na kasali rin sa New 7 Wonder Cities of the World.

Sa dinami-raming lumang bahay sa Ilocos Sur, hindi lahat ay na-i-preserve lalo na ang mga bahay na nasira ng bagyo at iniwan ng mga may-ari.

Paano kaya natin masosolusyonan ang pagkasira ng mga ito at mapapangalagaan ang UNESCO Heritage Sites sa Pilipinas?

Panoorin nang buo ang timely travel-environmental documentary ng GMA News ang Public Affairs na 'Pamana: Saving Our Heritage:'