Article Inside Page
Showbiz News
Isang magulo at masayang live chat na naman ang naganap with the cast of the newest GMA Afternoon Prime series
Unforgettable last February 27. Talaga namang naging unforgettable ang hapon na iyon para sa first time chatters na sina Kylie Padilla, Pauleen Luna at Benjamin Alves, pati na rin kay Mark Herras na ilang beses nang naging bahagi ng live chat.

Isang magulo at masayang live chat na naman ang naganap with the cast of the newest GMA Afternoon Prime series
Unforgettable last February 27. Talaga namang naging unforgettable ang hapon na iyon para sa first time chatters na sina Kylie Padilla, Pauleen Luna at Benjamin Alves, pati na rin kay Mark Herras na ilang beses nang naging bahagi ng live chat.
Kitang kita sa kulitan at asaran ng grupo na malapit at komportable na talaga sila sa isa't isa. Tuwang tuwa nilang sinagot ang mga tanong ng chatters all over the world tungkol sa kanilang characters sa Unforgettable, how it feels to work with veteran actors like Phillip Salvador, at kung ano pa ang mga dapat abangan sa pilot week ng kanilang teleserye.
"My character is emotional, very selfish. This was before her boyfriend dies. Marami siyang pagkukulang sa boyfriend niya. At saka may sakit siya na parati siyang nagpa-panic, so madalas na iniisip niya ang sarili niya. But then noong namatay 'yung boyfriend niya, doon niya makikita na mali pala siya," says Kylie about her role as Anna.
Benjamin, who plays a lawyer, shared his preparations. "Apart from trying to learn the terminology ng law, more of Miguel as being headstrong, more of him being mayabang, kasi extrovert siya. Talagang kapag nagsasalita, sobrang intellectual. Talagang he speaks his mind, which is far from who I am, an introvert. So as far as developing his character, not so much 'yung trabaho niya, pero 'yung who he is as part of this family. 'Yun ang pinaghahandaan ko."
Kakaibang kontrabida naman daw ang gagampanan ni Pauleen. "It's not as striking as my role in Magdalena, which is Carol. It's a different attack. Hindi siya 'yung pagnakita mo 'ay kontrabida siya'. It's different."
Hindi naman daw mahirap ang pagiging ghost para kay Mark. "Ang preparation ko for this role hindi naman ganun kahirap. I just have to be a normal person. Hindi naman kailangan na [dahil] role ko ay ghost, kailangan ghost din ako umarte. Ang sabi ni Direk [Gina Alajar], I need to act na parang normal na tao, as a live person. 'Yung challenging lang 'dun kasi ay wala akong ka-throwlines at all. Magde-deliver ako ng lines, like kay Kylie, hindi naman niya ako puwedeng sagutin."
Abangan sina Kylie, Mark, Benjamin at Pauleen sa Unforgettable, weekdays after ng Eat Bulaga, sa GMA Afternoon Prime.