What's on TV

'Unica Hija' logs highest rating yet

By Jansen Ramos
Published January 6, 2023 1:51 PM PHT
Updated January 6, 2023 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

unica hija characters


Inabangan ang twist sa character ni Mark Herras sa sinusubaybayang drama sa hapon na 'Unica Hija.'

Lalo pang naging kaabang-abang ang bawat eksena sa sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na Unica Hija sa pagpasok ng panibagong twist na gumimbal sa viewers.

Ito ay ang hindi mamatay-matay na obsession ni Zach (Mark Herras) kay Bianca (Kate Valdez), na nadala niya hanggang pagtanda.

Matatandaang childhood sweetheart ni Zach si Bianca na namatay matapos mahulog sa bangin. "Bubbles" kung tawagin niya si Bianca.

Hindi alam ni Zach, naitulak si Bianca ng isa pa nilang kaibigan na si Cara (Maybelyn Dela Cruz) nang dahil sa selos. Sa present time, asawa na ni Zach si Cara, na ina ng kanilang anak na si Aica (Athena Madrid).

Kaya naman nang nakita ni Zach ang clone ni Bianca na si Hope (Kate Valdez), bumalik ang kanyang obsesyon sa kanyang kababata lalo pa't kamukhang-kamukha ni Hope si Bianca noong sila ay mga teenager pa.

Akala ni Hope ay si Zach ang tutulong sa kanya pero ito rin pala ang maglalagay sa kanya sa panibagong panganib. Napagkamalan pa tuloy siyang kabit ni Zach.

Nang malaman ni Cara ang tungkol dito, bumalik sa kanya ang bangungot ng nakaraan--ang nangyari sa kanilang hiking.

Napanood ito sa January 5, 2023 episode ng Unica Hija, na nakapagtala ng pinakamataas na rating na nakuha ng programa to date.

Mayroon itong rating na 10.3 percent, base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen.

Sa teaser ng Unica Hija para sa episode ngayong Biyernes (January 6), kukwestyunin ni Hope kung sino si Bubbles at bakit labis ang atraksyon ni Zach dito.

Mapapanood ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

TINGNAN ANG ILANG KUHA MULA SA SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: