
Unti-unti nang nabubunyag ang mga sikreto sa pinag-uusapang drama sa hapon na Unica Hija.
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series noong Lunes, January 30, pinalayas na ni Diane (Katrina Halili) ang mag-inang Lorna (Maricar De Mesa) at Carnation (Faith Da Silva) matapos mabuking ang kanilang panloloko.
Ito ay matapos makita ni Diane ang clone--si Hope (Kate Valdez)--ng yumao niyang anak na si Bianca.
Nagpanggap si Carnation bilang Hope para makapanghuthot sila ng nanay niyang si Lorna ng pera kay Diane.
Matatandaang si Hope ang nag-alaga kay Diane noong ito ay bulag pa nang manatili ito sa hotel kung saan nagtrabaho ang una.
Nang mabisto ni Diane ang sikreto ng mag-ina, tinest niya si Carnation kung magtutugma ang mga sasabihin nito base sa mga nangyari noong naaksidente si Diane pero walang tumama sa kanyang mga sagot.
Patuloy na subaybayan ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
NARITO ANG ILANG EKSENA SA PAGKIKITA NINA HOPE AT DIANE SA UNICA HIJA: