
Mapapanood na simula Nobyembre ang bagong show ng Kapuso actress na si Kate Valdez na Unica Hija.
Sa latest teaser ng GMA Afternoon Prime, opisyal na inanunsyo ang upcoming series na mula sa direksyon ni Mark Dela Cruz. Siya rin ang naging direktor ng dating primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday na kinabilangan din ni Kate.
Tampok rin sa nasabing serye sina Kelvin Miranda at Katrina Halili. Si Kelvin ang leading man ni Kate, samantalang si Katrina ay gaganap na ina ni Kate sa serye.
Ibinida rin sa teaser ang kakaibang istorya nito na isa ring drama-sci-fi tungkol sa human cloning.
Mapapanood din sa nasabing video ng GMA Afternoon Prime ang mga programang kasalukuyang pinapalabas tuwing hapon na kinagigiliwan at sinusubaybayan ng mga Pinoy - Abot-kamay Na Pangarap, Return To Paradise, at Nakarehas Na Puso.
SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG SHOWBIZ JOURNEY AT TRANSFORMATION NI UNICA HIJA STAR KATE VALDEZ: