
Simula November 3, mapapanood ang mapangahas na drama na Unica Hija sa GMA Afternoon Prime.
Tampok sa serye ang temang pagkakakilanlan, mga lihim ng nakaraan, at wagas na pagmamahal ng pamilya sa gitna ng misteryong dala ng siyensya.
Sa Unica Hija, haharap sa matinding pangungulila ang isang mag-asawang nawalan ng anak. Ngunit sa paglipas ng panahon, isang batang babae ang muling papasok sa kanilang buhay--si Hope, na kamukhang-kamukha ng kanilang yumaong anak na si Bianca. Sa kabila nito, mabubunyag ang masakit na katotohanan na magpapabago sa kanilang mga kapalaran.
Pinagbibidahan ang Unica Hija ni Kate Valdez, na gaganap sa dual roles na sina Bianca at Hope.
Kasama niya sa serye ang mga kapwa niya Sparkle artists na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Rere Madrid, at Jennie Gabriel.
Parte rin ng cast sa Unica Hija ang mga batikang aktor na sina Katrina Halili, Mark Herras, Maybelline Dela Cruz, Bernard Palanca, Maricar De Mesa, Biboy Ramirez, Lilet, at Boboy Garrovillo, kasama si Alfred Vargas sa isang espesyal na partisipasyon.
Ang Unica Hija ay mula sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz at mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group.
Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, simula November 3, 4:05 p.m., pagkatapos ng Cruz vs Cruz sa GMA.
IN PHOTOS: At the fun set of 'Unica Hija'