
Inabangan ng mga manonood ang episode ng sinusubaybayang Unica Hija ngayong Biyernes, December 23.
Sa nasabing episode ng GMA afternoon drama, inasahan ang pagtatagpo ni Diane (Katrina Halili) at ni Hope (Kate Valdez), ang clone ng yumaong anak ng una na si Bianca.
Hindi imposible ang kanilang pagkukrus ng landas dahil pareho silang nasa isang lugar pero, sa kasamaang palad, hindi pa rin sila nagkita. Nasa ospital kasi si Jhong (Biboy Ramirez) matapos masaksak kaya binisita siya ni Diane. Si Jhong ay asawa ni Lorna (Maricar De Mesa) at ama ni Carnation (Faith Da Silva). Siya rin ang adoptive parent ni Hope.
Tila wala pa sa tamang panahon ang pagkikita nina Diane at Hope, bagay na ikinaluwag sa dibdib ng mag-inang Lorna at Carnation.
Kung sakali kasing magtagpo sina Diane at Hope, mabubuko ni Diane ang pagkukunwari ni Carnation bilang Hope. Mabibisto na rin ni Jhong ang panloloko ng kanyang misis at anak.
Panoorin ang buong December 23-episode ng Unica Hija sa video sa itaas.
Patuloy na subaybayan ang Unica Hija, weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
NARITO ANG PASILIP SA SET NG 'UNICA HIJA:'