GMA Logo UST Paskuhan highlights
Source: briancroots (TikTok) and University of Santo Tomas (FB)
Celebrity Life

'Uniqlo of Santo Tomas,' pati ang famous rugger polo shirt, trending online!

By Aedrianne Acar
Published December 27, 2022 4:12 PM PHT
Updated December 27, 2022 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

UST Paskuhan highlights


Isa ka rin ba Kapuso sa nakabili ng Rugger Polo Shirt ngayong Holiday season?

Usap-usapan ngayon online ang TikTok video na kuha sa culmination ng Paskuhan event ng University of Santo Tomas na idinaos noong December 19.

Sa viral TikTok post ni @briancroots, tila napansin niya na marami sa mga dumalo sa event ang naka-suot ng Rugger Polo shirt na mabibili sa retail brand na Uniqlo.

Sabi niya caption ng video, “Uniqlo of Santo Tomas”

@briancroots Uniqlo of Santo Tomas #paskuhan #paskuhan2022 #UST ♬ WAG KA NANG MAWALAAAAAAA - Rhen

Ilan netizen ang napa-comment sa video na umani ng mahigit 1.2 million views matapos maupload. Ang iba nagbiro na 'tila naging uniform daw ito sa Paskuhan celebration.

Source: briancroots (TikTok)

Samantala, may mga tao naman na walang nakikitang problema kung may magkakapareho ng damit.

Sabi ni @Gelooo “Hindi naman kc issue sa aming mga lalaki kung may katulad kaming suot. Masaya pa nga kami. Hehe”

Post naman ni @IG: annnvg na hindi na nakakapagtaka na maraming tao ang pare-pareho ng binili, dahil trusted at maganda raw ang quality ng naturang clothing brand. Paliwanag niya, “Uniqlo is a good brand. Comfy and the quality is nice. It's not a surprise kung madaming kapareho

Source: briancroots (TikTok)

Huling idinaos ang Paskuhan festivities sa UST taong 2019 at dalawang taon din itong natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

TINGNAN ANG CHRISTMAS FAMILY PHOTO NG ILANG SIKAT NA CELEBRITIES DITO: