What's on TV

'Up and Down,' susunod sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 9:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Mabubunyag na ang sikretong karibal sa asawa    

 

 

Sa unang tingin ay iisipin perpekto ang buhay ni Janice (Angel Aquino). Bukod sa buhos ng atensyon at pagmamahal mula sa asawang si Filbert (Noni Buencamino), ay nagdadalang-tao siya para sa una nilang anak. At sa kanilang paglipat sa bago at mas magandang apartment,  ay mas naging maligaya pa si Janice. Wala na nga raw siyang mahihiling pa.

 

Pero tunay nga bang walang mali sa buhay niya?

Ilang araw pagkatapos nila maglipat, may mga bagay na mapapansin at labis na ipagtataka si Janice. Una ay ang ingay, kalabog, sigawan at iyakan na manggagaling mula sa apartment na nasa ibabaw na floor ng kanilang unit. Pangalawa ay ang mapapadalas na pag-alis ng kanyang mister tuwing dis oras ng gabi. At huli ay ang pakikipagkaibigan sa kanya ng babaeng si Diane na ‘di umano ay laging binubugbog ng kanyang asawa.

Sa pagnanais ni Janice na tulungan si Diane makalaya sa pang-aaubuso ay madidiskubre niyang may koneksyon ng lahat ng bagay na kanyang ipinagtataka.  

Ito ang maintrigang kuwentong sunod na tampok sa Karelasyon. Pagbibidahan ng dalawa sa pinakamahuhusay na aktres ng ating bansa, na sina Ms. Angel Aquino at Ms. Jean Garcia. At kasama nila ang batikang actor na si Noni Buencamino.

Ang kapana-panabik na kwentong ay mula sa panulat ni Ralston Jover at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.