GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

UP Fighting Maroons at FEU Lady Tamaraws, maghaharap sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published June 18, 2026 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fuel rollback may hit P11/L for diesel, P6/L for gas next week — industry source
What Philippine law says about adopted children and inheritances
The Father Who Never Leaves

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga maglalarong volleyball players mula sa UP Fighting Maroons at FEU Lady Tamaraws ngayong June 18 sa 'Family Feud.'

Collegiate volleyball's brightest rising stars ang maghaharap sa Family Feud ngayong Huwebes!

Ngayong June 18, magtatapat ang ilan sa mga pinakasikat na collegiate volleyball stars mula sa UP Fighting Maroons at FEU Lady Tamaraws.

Unang sasabak ang UP Fighting Maroons sa pangunguna ni Niña Ytang. Itinuturing siyang isa sa pinakamahuhusay na middle blocker sa UAAP at siya rin ang nag-iisang four-time Best Middle Blocker awardee ng liga. Kamakailan lang nagtapos si Niña sa kolehiyo at agad na nagpakitang-gilas bilang bagong miyembro ng Alas Pilipinas sa AVC Women's Cup 2026.

Makakasama niya sa laban ang kanyang mga kapwa volleyball standouts. Si Kianne Olango, outside hitter at opposite spiker na naging UAAP Season 85 Juniors MVP; Jelaica Gajero, outside hitter at opposite spiker na kinilalang Best Opposite Spiker sa 2023 Shakey's Girls Volleyball Invitational League; at Shamel Fernandez, ang team's reliable libero at defensive anchor mula sa Nueva Vizcaya.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, ipapakita rin ng FEU Lady Tamaraws ang kanilang galing sa Family Feud sa pangunguna ng beteranang setter na si Tin Ubaldo. Matagumpay niyang pinangunahan ang FEU sa magkakasunod na Final Four appearances nito sa UAAP. Ngayon, kasama rin niya si Niña Ytang bilang isa sa mga bagong miyembro ng Alas Pilipinas.

Makakasama ni Tin sa laban para sa FEU Lady Tamaraws ngayong Huwebes sina Jaz Ellarina, middle blocker mula Bulacan; Lovely Lopez, outside hitter mula San Felipe, Zambales; at Marga Encarnacion, ang libero at team's last line of defense.

Abangan ang tapatan ng dalawang volleyball powerhouse sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 18, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.