GMA Logo nina and calvin neri
Nina with 'Nina XX' director Calvin Neria. Photo by: Nherz Almo
What's Hot

Upcoming concert ni Nina, kinuwestiyon ng fans

By Nherz Almo
Published February 24, 2026 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: February 24, 2026
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa February 24, 2026 | Balitang Bisdak
'Formula 1: Drive To Survive' returns for Season 8 on Feb. 27

Article Inside Page


Showbiz News

nina and calvin neri


Ayon sa director ng upcoming anniversary concert ni Nina, nagalit ang ilang fans ng singer. Alamin ang detalye rito:

Inamin ni Calvin Neria, director ng upcoming anniversary concert ni Nina na Nina XX, na inulan sila ng batikos mula sa fans ni Asia's Diamond Soul Siren. Ito ay dahil sa titulong kanilang ginamit.

“Nagugulat rin ako na parang may intriga kasi parang nagagalit rin kasi yung mga fans why daw XX or 20 yung title,” lahad ni Calvin sa ginanap na media conference kahapon, February 23, sa Discovery Suites Manila sa Ortigas, Pasig City.

Patuloy niya, “We are being questioned dahil hindi daw 20 years lang si Nina sa business. So, parang ayaw ng mga fans na sabihin na gano'n. Kasi may mga alam mo na may mga new breed na ngayon kasi na 20 years na rin sila. So, ayaw nila i-level si Nina dun. So, parang gusto nila mas ahead.

“But, yun lang, sabi ko nga, this is the only time that Nina is celebrating an anniversary in her career. And, hindi pa naman malayo yung, kumbaga, yung kung ilang taong na talaga siya [sa showbiz] dun sa 20 years. And again, exactly this day Nina Live! was launched 2005. So, it's been actually 20 years na siya last year kaya naisip ko rin yung 20. Twenty one years na siya ngayon. Itong araw na ito na-release ang Nina Live!”

Bilang direktor, sinigurado ni Calvin na matutuon ang pansin ng mga manonood kay Nina.

Paliwanag niya, “Anyway, what is different about this show is hindi siya… Just like yung mga ginatawa ko yung iba, my trademark as a director is I do away with mga super, super big productions. At the end of the day, I always make it a point that the artist will really shine.

“Kasi ang gusto ko kapag nanonod ako ng concert na-entertain ako kasi hinangaan ko yung artist because of his or her song. So, kung ano yung repertoire niya, minahal ko yun. Hindi ko naman minahal yung artist because ang ganda ng visuals and all. Yeah, it's the technology nowadays.

“But, you know, for Nina, hindi niya kailangan yun. It's simply all the elegance, yung purity, yung clarity ng boses, yung linis ng boses. Yun yung gusto kong lumabas parati sa artist ko., especially kay Lina. I mean, after so many years, hindi nagbabago yung boses.”

Isa rin daw sa goal ni Direk Calvin ang mawala ang pagiging mahiyain ni Nina sa stage.

“Napansin ko talaga sa kanya, very mahihayin siya. I want to put more kuwento in the show. So, this is going to be some sort of a diary. So, it's going to be some sort of a journal, buong show. So, parang siyang nagkukuwento may journal na parang siyang binabasa within the show hanggang sa matapos.”

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Nina sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ayon sa soul siren, ang fans niya ang nagbibigay inspirasyon sa kanya para magpatuloy sa kanyang career.

“Kasi syempre kung nandun yung pagmamahal, nandun din yung pagmamahal ko sa kanila to sing for them. Yun lang naman talaga yung inspiration ko, e. Syempre, bakit pa ako kakanta, kung hindi naman nila ako bet, di ba? So, kakanta ko because they inspire me to sing—their love for my music and their love for me.”

Sa ngayon, mas focus daw si Nina sa kung anumang makapagpapasaya sa kanya.

“Nowadays, I just surround myself with positive and happy people. And the people who care for me,” pagtatapos niya.

Makakasama ni Nina sa Nina XX ang kapwa music artists na sina Jay Durias, Thor, at Kris Lawrence. Ang concert na ito ay iprinodyus ng EchoJam at Synth X.