GMA Logo Sisters Game
What's Hot

Upcoming drama series na 'Apoy sa Dugo' pag-uusapan ang mental health issues

By Karen Juliane Crucillo
Published August 13, 2025 8:24 PM PHT
Updated October 14, 2025 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
24 Oras Weekend: (Part 4) December 6, 2025
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Sisters Game


Abangan ang upcoming GMA Primetime series na 'Apoy sa Dugo' na tatalakay sa ilang issues ng mental health.

May panibagong serye na naman sa GMA Primetime na siguradong kukuha sa inyong atensyon habang tinatalakay ang ilang malalim na mental health issues.

Ang psychological drama-thriller na Apoy sa Dugo ay malapit nang mapanood sa GMA at pagbibidahan ito nina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Ashley Ortega, kasama sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, at Althea Ablan.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Miyerkules, August 13, puspusan ang paghahanda ng mga aktor para sa bagong serye.

"I really have to do some research about it kasi 'yung character ko si Angel, she is mentally ill. Kailangan kong alagaan kung paano ko gagawin 'yun para mabigyan na rin ng justice 'yung role," kuwento ni Ashley.

Sina Derrick at Elle naman ay lalabas sa kanilang comfort zone para gampanan ang kanilang mga roles sa serye.

"Medyo challenging siya sa part na mayroon kaming kids kasi wala pa kaming kids talaga in real life, but I think with Derrick, that's pretty easy," sabi ni Elle.

Inamin naman ni Derrick na natutulungan naman nila ang isa't isa pagdating sa trabaho.

"What's good about us is if we're working, mayroon kaming feedback sa isa't isa at important 'yun sa amin because doon namin nai-improve 'yung character namin," sabi ng aktor.

Si Thea naman ay gaganap bilang isang lawyer kaya naman inamin nito na challenging din ito para sa kaniya.

"Lawyer ako dito, so as a person na mabilis mag-isip 'yung brain, kailangan na matutunan ko talaga 'yung lines kasi may technical words ang pagiging lawyer and talagang strict sa lines dapat. Ako pa naman ay isang ring makakalimutin, so that's a challenge for me," paliwanag ni Thea.

Abangan ang Apoy sa Dugo, malapit na mapanood sa GMA!

RELATED GALLERY: Derrick Monasterio's career accomplishments