
Matagal na raw dapat nagsimula ang produksiyon ng upcoming movie na Rewind na pagbibidahan nina Kapuso Primetime Couple Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Naudlot kasi ng pandemic ang pelikula pero imbis na maghanap ng papalit sa kanila bilang lead stars nito, hinintay talaga ng produksyon na maging available sina Dingdong at Marian.
Tailor-made daw kasi para sa kanilang ang feel good family drama na may touches pa ng magic realism.
Iikot daw ang kuwento nito sa second chances.
"Bukod sa parati kong pangarap na makasama si misis hindi lang sa TV kundi pati na rin sa pelikula, napakgaanda talaga ng kuwento--nababagay sa panahon ngayon," lahad ni Dingdong tungkol sa Rewind.
"Sabi ko 'Dad, sobrang ganda naman ng pelikula na ito.' Kailangan magawan ko ng paarran. Gagawin ko talaga 'to," dagdag naman ni Marian.
Posible kaya na magkaroon ng cameo sa pelikula ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.
"Siya ang boss ng family so anything, anything," pagbaling ni Marian kay Dingdong para sa desisyong ito.
"Depende sa script. Pero sa script na 'to, iba ang requirements eh. Iba ang requirements talaga," paglilinaw naman ng aktor.
Mahigit isang dekada na ang nakalipas nang huling nagtambal sina Dingdong at Marian sa isang pelikula. Ito ang You To Me Are Everything na ipinalabas noong 2010.
May kanya kanya namang primetime comeback projects sina Dingdong at Marian.
Kasisimula pa lang ng murder mystery drama na Royal Blood na pinagbibidahan ni Dingdong, habang naghahanda naman si Marian para sa isang serye kasama si Gabby Concepcion.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA 'DI MALILIMUTANG KARAKTER NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO: