GMA Logo GMA Affordabox
What's Hot

Update your GMA Affordabox now!

By Marah Ruiz
Published May 18, 2021 7:33 PM PHT
Updated May 19, 2021 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Affordabox


May available software update ang GMA Affordabox para maging mas malinaw, mas makulay at mas maganda pa ang inyong panonood.

Mga Kapuso, oras na para mag-update ng software ng inyong GMA Affordabox.

Para ito sa lalong pinagandang serbisyong makukuha ninyo mula sa inyong digital TV receiver.

GMA Affordabox

May dalawang paraan para gawin ito.

GMA Affordabox

Ang una ay ang over-the-air update. Sundan lang ang mga steps na ito.

1. Habang nanonood gamit ang GMA Affordabox, may lalabas na prompt sa inyong TV screen, "Software update available. Would you like to update now?"

2. Pindutin ang OK button sa remote control para simulan ang software update.

3. Hintayin itong matapos at maaari na muling manood!

Kung sakaling mag-hang ang ang inyong GMA Affordabox unit habang nagso-software update ito via on-the-air, sundan lamang ang simpleng troubleshooting guide na ito.

1. Tanggalin ang antenna connector mula sa pagkakakabit nito sa "ANT IN" port sa likod ng GMA Affordabox.

2. Tanggalin sa saksakan ng kuryente ang GMA Affordabox. Maghintay ng 20 segundo.

3. Isaksak muli ang GMA Affordabox sa outlet ng kuryente at hintayin itong mag-boot.

4. Hintaying lumabas ang "NO SIGNAL" display sa TV screen.

5. Ikabit muli ang antenna sa "ANT IN" port sa likod ng GMA Affordabox.

6. Pindutin ang OK button sa remote control ng GMA Affordabox para ituloy ang software update.

GMA Affordabox troubleshooting guide

Ang pangalawang paraan ng pag-a-update ay sa pamamagitan ng USB device. Narito naman ang steps para rito:

1. Ikabit ang USB drive sa inyong computer. Bumisita sa www.GMAAffordabox.com at puntahan ang FAQ page, number 18. I-click ang download button na matatagpuan dito.

2. Matapos i-download ang update, i-save ito sa thumb drive, ikabit naman ito sa inyong GMA Affordabox.

3. Pindutin ang MENU button sa remote control ng GMA Affordabox.

4. Piliin ang SYSTEM Tab.

5. Piliin ang Software Update. Pindutin ang OK button.

6. Lalabas ang USB Upgrade. Pindutin ang OK button.

7. Lalabas ang Upgrade Files. Piliin ang na-download na software update mula sa link. Pindutin ang OK button para simulan ang software update.

8. Hintayin itong matapos at maaari na muling manood ng inyong paboritong shows!

GMA Affordabox

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang www.GMAaffordabox.com at i-follow ang official social media accounts ng @GMAaffordabox sa Facebook, Instagram at Twitter.

Para naman sa iba pang katanungan, tumawag sa (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 mula 8 a.m. hanggang 10 p.m., o mag-e-mail sa support@GMAaffordabox.com.

Available ang GMA Affordabox sa mga ilang piling lugar sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (kasama ang Cagayan de Oro City), Camiguin at Bacolod City.

Mabibili ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store sa Shopee at Lazada.