
Nagpadala ng mensahe ang GMANetwork.com kay Cogie para kumpirmahin ang balita, ngunit hindi pa siya nagko-komento tungkol dito.
May naungkat na larawan ang GMANetwork.com na tila nagbibigay ng katotohanan sa mga bulung-bulungan na ikinasal na raw umano ang aktor na si Cogie Domingo sa kanyang girlfriend na si Ria Sacasas.
Mapapansin sa mga hashtag ang mga katagang "#celebration #cogiedomingo #wedding #riadomingo #truelove #happiness #blessing #love #love #love." March 11 ngayong taon nang i-post ang larawan.
Mapapansin din pinalitan na ni Ria ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account.
Pinaunlakan ni Cogie ng isang eksklusibong panayam ang GMANEtwrok.com ilang buwan na ang nakakalipas, ngunit naging matipid ang kanyang mga sagot nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life. Mas pinipili raw kasi niyang mag-focus sa kanyang showbiz comeback.
WATCH: Buena Familia: 1-on-1 with Cogie Domingo
Sa isang text message, kinumpirma ng aktor na si Cogie Domingo ang kanyang kasal sa kanyang longtime girlfriend na si Ria Sacasas.
Ikinasal ang dalawa noong March 11 sa isang very intimate na ceremony kasama ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Eksklusibong nagbahagi sina Cogie at Ria ng kanilang wedding photos sa GMANetwork.com. Silipin ang kanilang kasal: Wedding photos of Cogie Domingo and Ria Sacasas
MORE ON COGIE DOMINGO:
Cogie Domingo reveals three reasons why he decided to go back to showbiz
Cogie Domingo aminadong na-miss ang pagiging artista