Article Inside Page
Showbiz News
Mula na mismo kay Katrina Halili, tanggap niya na si Iwa Moto ang puwedeng pumalit sa kanyang trono bilang sexy contravida ng GMA-7.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Mula na mismo kay Katrina Halili, tanggap niya na si Iwa Moto ang puwedeng pumalit sa kanyang trono bilang sexy contravida ng GMA-7.
Sa naging press launch ng GMA Sine Novela na
Magdusa Ka, kung saan magbibida na si Katrina, natanong sa kanya kung payag na ba siya na ang kasunod na sa kanyang iiwan na trono bilang sexy contravida ay si Iwa Moto? Wala namang tanggi si Katrina rito.
"Oo naman. Puwedeng-puwede na si Iwa," ngiti pa ni Katrina. "Si Iwa kasi, iba ang dating niya. Sabi nga nila, pareho kaming malakas ang dating. Kahit ano ang lumabas sa bibig namin, nagiging malaking issue. 'Yan ang napapansin ko kay Iwa. Kontrobersyal siya na hindi niya sinasadya.

"Tsaka sexy siya. Yun ang importante. Kapag sexy ka kasi, maraming bukas na opportunities para sa iyo. Puwede ka sa comedy, drama, action at, siyempre, ang mag-kontrabida. Sa mga napapanood ko na mga nilabasan ni Iwa, puwedeng-puwede na siya talaga na pumalit sa akin. At least, kasing-sexy at kasing-kontrobersyal ko ang papalit, ‘di ba?"
Okey lang din ba kay Katrina kung sakaling maungusan na siya ni Iwa sa pagiging sexiest woman sa Pilipinas ng FHM para sa taong ito?
"Ay, teka. May lumabas na ba? Diyan yata ako hindi papayag pa!" malakas na tawa ni Katrina. "Aapela ako diyan!
"Pero depende naman ‘yan sa taste ng mga bumoboto sa FHM, eh. Kung sa tingin nila na pasok na si Iwa at puwede na akong palitan, okey lang. Hindi big deal sa akin ‘yon. Ako lang naman ang twice na tinanghal at back-to-back pa, ‘di ba?
"Pero kung feel pa rin nila na I still deserve the top spot, buong-puso kong tatanggapin ‘yon. It means na reyna pa rin ako, ‘di ba?"
DIREK MARYO'S HELP. Sa
Magdusa Ka ay ibang Katrina ang mapapanood. Mawawala na ang mga pagtataray niya at isang nakakaawa at api-apihang Katrina ang kapalit. Nagpapasalamat nga si Katrina kay Direk Maryo J. delos Reyes dahil tinulungan siya nitong mawala ang mga nakagisnan niyang mga mannerisms sa pag-arte bilang isang kontrabida.
"Apat na taon kasing sunud-sunod ang pagkokontrabida ko, ‘di ba? Kaya hindi ko maalis 'yung mga pagtataas ng kilay, mataray na boses at 'yung kilos ng katawan ko. Sabi ni Direk Maryo, i-tone down ko raw dahil hindi na ako ang kontrabida rito kundi si Iwa na.
"Minsan nga nakakalimutan ko na ako na pala ang bida. Iba na ang dapat na kilos at pananalita ko. So, malaking tulong si Direk Maryo kasi malaki ang iniba niya sa pagganap ko sa
Magdusa Ka," pagtatapos ni Katrina Halili. -
PEP
Magdusa Ka is turning out to be just as controversial as its main stars!
Talk about Katrina and Iwa and their new soap at the
iGMA
forums! If you're not registered yet,
register now! Who knows, you might even get to
chat
with your favorite Kapuso artist!
Want to know what your favorite sexy stars Katrina and Iwa are up to? Just key in KATRINA or IWA and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers.)