Article Inside Page
Showbiz News
Hindi man maingay, maraming tao pa rin ang nagtataka—paano nga ba name-maintain ni Kiko Rustia ang kanyang hairstyle?
Hindi man maingay, maraming tao pa rin ang nagtataka—paano nga ba name-maintain ni Kiko Rustia ang kanyang massive hairstyle? Text by Jason John S. Lim. Interview by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
"Tiyagaan." Iyan ang unang sagot ni Kiko sa pagtanong ng iGMA tungkol sa kanyang pagme-maintain ng kanyang hairstyle: ang dreadlocks.

Aside from patience, ang isa pang kailangan ni Kiko ng maramihan sa pagme-maintain ay ang shampoo. "Magastos sa shampoo, tapos magastos sa tubig. Pero basta constantly binabanlawan mo siya, okay naman." He laughs and adds, "yun nga lang, pag nakulob - kunyari madilim, hindi umaraw, basa siya at natuyo sa hangin? Amoy wet dog."
"Kailangan high maintenance talaga," inamin ni Kiko. Pero, he adds naman agad na "may kasabihan nga ako, personal [na] kasabihan. Pag trip mo, panindigan mo."
This image, ayon kay Kiko, hindi lang daw pang sandalian. "It didn't arise from fashion; it didn't arise from uso or anything like that. Nung naging ganito ako, it was out of an expression of my feelings."
Dagdag niya na marami nga raw ang nagtatanong kung hanggang kailan ang look niya na ito - for the last five years. "Sabi ko, yun nga 'yung difference eh. Hindi naman kasi ito fashion-fashion eh. This is my expression.
"I'm gonna change it [lang] pag 'yung nag-arise na 'yung feeling na iyon. Pag mag-evolve na 'yung pakiramdam ko on how to express myself."
For now, sabi ni Kiko, "I'm happy. I'm being true to myself and true to the people around me. And I think I'm okay and it doesn't make me less of a better person than I thought of.
"Steady lang, [at] carry pa."
Four
Survivor Philippines castaway are casting their dating nets! Gusto mo bang maging part ng major dating search na ito? Punta na sa
Date a Survivor promo page! You could win dates with Kiko Rustia, Vern Domingo, Jace Flores and Nikki Dayo!