What's Hot

Mart at Jennica, still going strong

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 9, 2020 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



After one year, matibay pa rin ang relasyong Mart-Jennica. Pero bakit hindi sila magkatambal ngayon sa 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang?'
Sa pictorial ng ‘Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,’ nakausap ng iGMA si Mart Escudero at kinumusta namin siya at ang kanyang one-year relationship with Jennica Garcia. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. stars
After two primetime shows na kasama ni Mart Escudero ang kanyang reel and real love team partner na si Jennica Garcia, this time around ay nag-solo si Mart sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. “Dito, wala akong love team. Okay naman sa akin, kumbaga maiba naman, wala namang love team partner,” kuwento ni Mart sa pictorial ng pinaka-bagong aabangan na prime time show ng GMA. Sabi ni Mart na mabuti na raw siguro na ganito at wala siyang love interest sa story kasi mahirap na daw ma-identify sa love team at baka magsawa na ang mga manonood at fans kung puro ganoong characters ang kanyang gagampanan. Hindi rin naman daw dapat na magkasama sila lagi ni Jennica sa isang project. Idinagdag pa niya na going strong naman ang relationship nila ni Jennica; in fact nag-celebrate sila ng 1st year anniversary nila noong December 10. “Masaya ako, naka-survive kami. May mga problems at away pero normal naman ‘yun. Napag-uusapan naman 'yun, eh,” ang pahayag ng young actor. Inamin din niya na although minsan may selosan na nagyayari sa kanila, naaayos naman nila ito agad after talking to each other. “Kumbaga, magseselos siya pero tahimik lang siya," ayon sa binata. "Pero pagkatapos, pinag-uusapan din namin kaya wala talagang problema." Kinuwento din ni Mart na naipakilala na niya si Jennica sa kanyang mga parents and happy naman siya sa naging impression ng kanyang magulang sa girlfriend. “Ang sabi nila, mabait na bata raw. Wala silang pangit na nakita kay Jen. Masaya sila na si Jen ang naging girlfriend ko,” ang buong pagmamalaking sabi ni Mart.