What's Hot

Na-impress si Robin sa young stars ng Sundo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 11, 2020 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Umaani ngayon ng papuri ang first Pinoy suspense-thriller ng taon. Ayon kay Robin, naging masaya ang filming dahil imrpressed siya sa kanyang mga co-stars.
Kasalukuyang umaani ng papuri ang first Pinoy suspense-thriller ng taon, ang 'Sundo.' Featuring the original Bad Boy ng Philippine show business, Robin Padilla is indeed happy na maganda ang kinalabasan ng kanyang pelikula. Pero sa mga interview ni Robin, sinabi niyang mas naging masaya siya while filming the movie dahil imrpressed siya sa kanyang mga co-stars. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Totoo namang nakakatakot at nakakapanindig-balahibo ang mga eksenang mapapanood sa Sundo. Maraming unforgettable scenes na tiyak namang pag-uusapan long after the movie is over. Pero para sa isang Robin Padilla, higit na hindi niya makakalimutan ay ang mga co-stars niya sa pelikula na nagpa-bilib at nagpa-bago ng kanyang isip about the young stars of today. stars
Here is what Robin had to say about his Sundo co-stars: Sunshine Dizon "Noong po kami ay nagsama-sama na at nagkatrabaho na, unang-una kong napansin ay napaka-husay niya pong artista. Tuwing nag-eeksena kami, tumataas 'yung balahibo ko. Ang ibig sabihin nun, nararamdaman ko siya. Kasi mahirap na 'yung may ka-eksena ka pero parang wala kang ka-eksena. Siya ho ay ramdam na ramdam ko hindi lang kapag may eksena [kundi] maski walang eksena dahil tawanan po kami nang tawanan (chuckles)." Mark Bautista "Si Mark, bilib ako sa pagka-humble [niya], kasi nagbida na ito at nakita ko wala siyang ere noong nagshoot kami. Nag-aantay siya , nakikipag-biruan pa nga sa amin iyan. Lagi niyang sinasabi na, 'Ako ba walang linya dito?' Tawa kami nang tawa, kahit anong eksena biglang a-adlib 'yan—'May kilala akong ispiritista.' (Laughs.) Hanga ako sa batang ito. Magaling ang humor niya. Nakita ko sa batang ito, hindi naman singer lang eh, meron siyang dating sa action. Kasi meron kaming eksena doon na sasabog, alalang-alala kami pero nakita namin na puede pala siyang maging action star." Rhian Ramos "At ganun din naman ho sa aking kapatid na si Rhian, napakagalang po nitong batang ito noong una kaming nagkita sa loob ng sasakyan sa eksena naming. Sabi niya, 'Isa pong karangalan ang maka-trabaho kayo.' Na-touch ako noon. Tumanim po iyon sa puso ko kasi totoo 'yung sinabi ko kanina na marami akong nakilalang mga bagong artistang nalungkot ako kasi wala 'yung respeto sa nakakatanda. Kaya plus factor ni Rhian 'yun. Marunong siyang gumalang sa matanda." Aside from these individual commendations, sinabi din ni Robin na tumatak sa kanya ang mahusay na work ethics ng mga ito. "Bukod po dun [sa sinabi ko kanina], nakita ko po siyempre na ang husay nila sa pag-arte, at ang kanilang pagiging propesyonal. Medyo nabura 'yung aking inisip noong araw na itong mga bagong artistang ito ay hindi na kapareho naming mga luma. Pero nabura nila 'yun, napaka-propesyonal nila at napaka-husay," dagdag ni Binoe. Tiyak na tulad ni Robin ay bibilib din kayo sa actors ng Sundo. Huwag palampasin ang suspense-thriller ng taon. Palabas pa in theaters nationwide. Talk about this topic sa iGMA forums.