What's Hot

Francine Prieto, staying strong sa gitna ng sakit ng kanyang ina

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 12:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Inilahad ng aktres sa "Showbiz Central" ang kanyang niloloob as her mom currently battles stage three ovarian cancer.
Ikinuwento ni Francine Prieto kay Pia Guanio sa Showbiz Central ang pagsubok na pinagdaraanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na cancer ng kanyang ina. Sobrang close si Francine Prieto sa kanyang ina na si Mrs. Amelia Falcon. Ito ay alam ng marami dahil laging kasama ni Francine ang mommy niya sa kanyang mga taping at showbiz commitments mula pa noong nag-uumpisa pa lang siya sa industriya.stars But their world was shaken when Francine and her siblings found out that their mother was diagnosed with stage three ovarian cancer. "Magkakasama kami ng makapatid ko nung in-explain sa amin ng doctor ‘yung kalagayan ng mommy ko. Mommy ko, umiiyak na…Sinabi nung doctor na meron daw 'yung [isang klase ng] chemotherapy na iche-chemo ka muna bago ka ooperahan. Three cycles ‘yun. Every three weeks ‘yung chemo. Nag-start na siya nung Thursday, so naka-first cycle na siya," she said in the interview. Kahit na sobrang nalulungkot sa pangyayari, the actress is very hopeful na her mom will overcome this trial because of her inner strength. “Si Mommy ko, very strong ‘yan…kahit ang dami-dami na ng naging problema sa buhay…’Yun ang isa sa mga hinahangan kong katangian na meron ang nanay ko. So, sa tingin ko, malalampasan niya ito.” May takot ba si Francine na mawala ang kanyang ina dahil sa sakit nito? “’Pag nawala si Mommy, ako na ang papalit sa mga kapatid ko. I’m sure kakayanin ko naman pero syempre iba pa rin ‘pag meron kang magulang na nandyan. Syempre, lahat naman, gusto natin makasama sila ng matagal na matagal na matagal. Ako, syempre gusto ko siya makasama ng matagal na matagal din,” ang sagot niya. Nagbigay din ng pahayag si Mrs. Falcon na pipilitin niya maging matatag para sa kanilang pamilya."Nalungkot ako kasi kawawa naman ‘yung mga anak ko. Maliliit pa sila…Hindi pa kasi sila stable tapos si Francine lang ‘yung bumubuhay sa amin. Naawa lang ako sa kanila kasi wala na silang daddy, so ako na lang. Kaya kapag nawala ako, kawawa naman sila. ‘Yun ‘yung nasa mind ko…Bahala na ang nasa itaas. Sa iyo Francine, thank you so much for the support. Alam ko naman na you sacrificed everything for the family, and alam mo naman na mahal na mahal ka namin…Sana dagdagan pa ng Diyos ang buhay ko para sa inyo.” At sa katatapos lang ng Mother’s Day, Francine also this message for her mom at sa lahat ng mga nanay. "Mommy, thanks for everything, thanks for all the love, care, sacrifices, patience and understanding. We really appreciate everything you've done for us. We love you so much! And to all the mothers, I really respect all of you because being a mother is not an easy task. Alam ko na lahat ng kaya ninyong magawa at ibigay ay gagawin ninyo para sa ikakabuti ng buhay lalo ng mga anak ninyo. Kaya sa katulad kong anak, respect and love our mothers, give them importance, and cherish every moment na nandiyan sila, dahil di natin alam hanggang kailan natin sila makakasama. Happy Mother's Day!" Sa gitna ng pagsubok na ito, humiling si Francine sa mga manonood at kanyang mga taga-suporta. "[Manghihingi] na rin ako ng blood donation…kasi ‘yung mommy ko palaging mababa yung hemoglobin niya. So sa susunod na chemotherapy niya lalung-lalo na sa surgery niya po…Sa lahat po ng mabubuting loob po diyan, pwede po kayo mag-donate ng dugo ninyo. Punta lang po kayo sa Cardinal Santos Medical Center sa Wilson St., San Juan. Lagay ninyo lang po sa pangalan ng patient -- Amelia Falcon. Kahit anong blood type pwede po…Sa mga nag-donate na ng blood for her maraming-maraming salamat, sobrang na-appreciate ng family ko ang tulong ninyo.” -- Additional Interview by Connie M. Tungul. Photo by Mitch S. Mauricio. Show Francine your support! Post your comments sa iGMA Forum. Get the latest about Francine from Fanatxt! Just text FRANCINE to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)