What's Hot

Rommel Padilla, pinairal ang kasamaan sa Totoy Bato

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 20, 2020 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Sa mga pinakahuling episodes ng 'Totoy Bato' lumabas ang tunay na kulay ni Manuel, ang role na pino-portray ni Rommel Padilla sa prime time na palabas.
Sa mga pinakahuling episodes ng 'Totoy Bato' lumabas ang tunay na kulay ni Manuel, ang role na pino-portray ni Rommel Padilla sa prime time na palabas. At para sa kanya, kaabang-abang ang mga susunod na eksena dahil dito. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio. Masibang Manuel "Ayun, nag-strive si Manuel as kingpin dun sa pier, hanggang naging promoter at manager naman ni Totoy ngayon. Nag-twist! From gustong patayin, ngayon alagang-alaga naman," kuwento ni Rommel tungkol sa character niyang si Manuel nang kausapin siya ng iGMA sa set ng taping ng Totoy Bato.stars At hindi lang hanggang dun ang kasamaan ni Manuel. Marami pa rin i-eexpect ang mga manood sa kanya: "At kay Manuel i-eexpect nila 'yung more, ano, pagiging masama, masiba! (laughs) Totoong nangyayari 'yun sa mundo ng boksing, talagang nandyan 'yung mga todong nanggagamit, 'yung mga nambubulag ng mga bokser na pantawid pusta." Kuwento ni Rommel na nakita ng character niya ang malaking pakinabang kay Totoy, at kanyang i-eexploit ito at the cost na itakwil din siya ng kanyang kapatid at kalaban ni Totoy na si Miguel (Ian Veneracion). "Ang papel kasi namin dito, 'yung grupo ko eh laging kailangan makakamal ng limpak-limpak sa salapi palagi, at ngayon using Totoy. Na laging ganun," in-explain ni Rommel. "Tapos ito, [mga panibagong] episode na ang nangyari, pinapa-bodyguardan ko si Totoy sa mga gustong pumatay sa kanya dati. 'Yan [naman] ang twist ng mga parating na episodes." Makatotohanang Totoy Kuwento pa ni Rommel na ang mga realistic action sequences din sa show ay dapat abangan ng mga manonood: "Kasi si Robin (Padilla), tinuloy-tuloy niya ang mga ensayo sa mga fight scenes—'yan ang mga dapat nating abangan. Lalong-lalo na ang boksing hindi madali na gumawa ng mga [scenes] dyan, dahil siyempre madalas nakikita. Lalo na ngayon uso ang boksing, gusto pa ng mga tao live. So 'yun ang challenge para sa stunt director at choreographer, kailangan na lumabas na believable." "Patuloy ninyong tangkilikin ang teleserye namin na Totoy Bato, dahil lahat—hindi lamang po 'yung mga artista, lalong-lalo na 'yung mga staff and crew—lahat ginagawa namin, lahat ng kakayanan namin para maibigay ang kaligayahan ng mga manonood," patapos na anyaya ni Rommel sa mga fans ng prime time hit na ito. Pag-usapan ang Totoy Bato sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!