What's Hot

Jennylyn, payag nang makatrabaho si Patrick Garcia

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 21, 2020 2:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Malaysia requires social media age checks barring under-16 accounts
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos ang maiinit na isyu tungkol sa kanila, willing na si Jennylyn Mercado na makasama si Patrick Garcia sa isang proyekto.
Sa thanksgiving party ng "Paano Ba ang Mangarap?" Jennylyn candidly answered all the issues na ibinato sa kanya ng press, including the rumors that Patrick Garcia is willing to work with her. Ano kaya ang naging reaksyon ng aktres dito? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Jason Lim starsNapakaganda at halatang blooming ngayon si Jennylyn Mercado. Marami ang nagtatanong kung in love nga ba ang dalaga pero pilit namang niya itong itinanggi. Siyempre hindi maiiwasang isunod na itanong ng mga press kung anong masasabi niya now that Patrick Garcia is now back in showbiz and even has a new show (Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin?). Handa na kaya siyang makatrabaho muli ng ama ng kanyang baby boy? “Professional naman ako at saka kaibigan ko naman siya at saka nakalimutan ko na ang lahat, kung baga sarado na ang libro. Ayoko nang balikan 'yung hindi na magagandang past na napagdaanan na namin. Naiwanan na ang lahat ng mga pangit na nangyari 'di ba? Ayoko na isipin ‘yun eh, so ako naman naka-move on na ‘ko so wala namang problema,” ang seryosong paliwanang ni Jennylyn. “Pagdating sa professional level, kaya ko namang magtrabaho. At saka tingnan mo naman, nakapagtrabaho naman kami ni Mark (Herras), ex [boyfriend] ko ‘yan ha! Pareho lang 'di ba?,” ang dagdag pa ng aktres. Halatang hindi kumportable si Jen sa mga tanong about her ex-boyfriend lalo na ng tinanong si Jennylyn about Patrick and their baby. “Para sa akin kasi, kung ako 'yung nasa lugar niya, hindi ko na idadaan sa show business--kung baga, kung talagang gusto mo, ipapakita mo pa ba sa lahat ng tao, kailangan mo pa bang i-broadcast sa lahat ng tao? Parang napaka showbiz naman. Personal life is personal life, lagyan niya ng wall. Hindi lahat kailangan malaman ng ibang tao,” ang madamdaming pahayag ni Jen. Kaya naman siguro nang tanungin siya about her plans para sa first birthday ng kanyang anak sa August, ito na lang ang kanyang nasabi: “Wala pa talaga eh, kapag medyo nakaluwag-luwag na, magiisip na ako.” On Katrina and Yasmien Tinanong din si Jennylyn about her fellow StarStruck artist at ngayong kasama sa isang show, ang SRO Cinemaserye: Suspetsa, na si Yasmien Kurdi. Matatandaan na may lumabas na issue about Yasmien and Baron Geisler early this week.stars “Ayoko ring magsalita sa part ko eh, kung baga, lagi kong sinasabi na wala ako sa posisyon na magsalita, kung gusto nilang malaman, itanong nila sa mismong taong concerned,” ang may pag-iwas na sabi ng StartStruck 1 Sole Female Survivor. Kinumpirma din niya na maayos naman ang samahan nila sa set ng SRO Cinemaserye: Suspetsa. “Wala namang problema.” Pero hindi na siya nakaiwas na magsalita ng tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya na dalawa sa kanyang kaibigan (Yasmien Kurdi and Katrina Halili) ay ang laman ngayon ng mga tabloid at balita sa telebisyon. Ayon kay Jen, “Kilala ko naman ang mga ‘yan eh, para ko ng mga kapatid yan eh. Bawat isa sa amin, talagang masasabi kong malakas at matapang. Kahit anong pagdaanan namin talagang andyan kami para sa isa’t isa. Kilala na namin ang isa’t isa kaya kahit anong marinig namin, kahit anong sabihin ng ibang tao, hindi kami naniniwala basta-basta, hanggat hindi namin nalalaman ang totoo. Damayan talaga.” Sa huli, nagapasalamat si Jennylyn sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, at sa kanyang high-rating drama series, ang Paano Ba Ang Mangarap na malapit nang magwakas. “Thank you sa walang [pagod na] suporta sa aming lahat, sa buong Paano Ba Ang Mangarap cast. Sana huwag silang magsawa, hanggang sa susunod na soap.” Talk about this topic sa iGMA forums. Alamin ang latest kay Jen! Text JENNYLYN and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)