What's Hot

Kris believes Aljur is innocent

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 18, 2020 12:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Buo ang suporta ng young star na si Kris Bernal sa kanyang ka-love team na si Aljur Abrenica.
Buo ang suporta ng young star na si Kris Bernal sa kanyang ka-love team na si Aljur Abrenica, na inireklamo ng acts of lasciviousness kamakailan ng isang minor de edad sa National Bureau of Investigation. “Siyempre ako, para sa kanya nandito lang ako…basta magkwento, magsabi lang siya alam ko ‘yon ang totoo," pahayag ni Kris sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Huwebes. starsPinayuhan din ng dalaga si Aljur na laging magdasal upang malampasan ang bagong kontrobersiyang kanyang kinakaharap. Lubos naman ang pasasalamat ng aktor sa ipinakikitang suporta ng kanya ng kanyang pamilya at ni Kris. “Nagpapasalamat talaga ako kay Kris. Talagang malaki ang naitutulong niya sa akin. Kasi may tiwala po siya sa akin. Talagang kilalang-kilala ako ni Kris, alam niya kung sino talaga ako," ayon sa binata. Inihayag din ng abogado ni Aljur na si Atty. June Ambrosio na lumilitaw umano na ang reklamo sa kanyang kliyente ay hindi pagkakaunawaan ng aktor at ng batang complainant. “The controversy involving Aljur Abrenica and the complainant appears to be a case of a misunderstanding between two teenagers, nothing remotely romantic or sexually predatory as initially reported," ayon kay Ambrosio. Sa kabila ng kontrobersiya, inihahanda na ang susunod na project nina Aljur at Kris na mapapanood sa primetime series ng Kapuso station. Katunayan, nagsimula na umanong mag-taping ang dalawa para sa kanilang bagong proyekto kahit hindi pa natatapos ng kanilang Dramarama sa Hapon na Dapat Ka Bang Mahalin. “Pangarap namin ‘to na mag-prime time po. Nagpasalamat muna kami sa isa’t isa dahil nagtulungan talaga kami and siyempre sa trabaho, gagalingan namin," ayon kay Aljur. - Fidel Jimenez, GMANews.TV