Article Inside Page
Showbiz News
Sa mga sabik ngayon pa lang kina Aljur at Kris, malapit nang ipalabas ang bago nilang show--sa prime time--ang 'All My Life.' Ano kaya ang aasahan natin dito?
Malapit-lapit na nating mapapanood ang pagbabalik-tambalan ni Aljur Abrenica at Kris Bernal sa telebisyon pagkatapos ng matagumpay nilang SineNovela, ang 'Dapat Ka Bang Mahalin?' Sa pagkakataong ito, prime time naman ang kanilang pagtatampukan sa 'All My Life'. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.
"So far, so good," banggit ni Ms. Cheryl Ching-Sy, ang Program Manager ng show, nang makapanayam siya kamakailan ng iGMA. "Maganda 'yung feedback [sa
All MyLife]. 'Yung mga audience naman namin sa afternoon, excited din sa transition niya to prime time. Hoping na lahat ng viewers sa afternoon, na na-hook sa
Dapat Ka Bang Mahalin? [ay ma-hook din dito.]"
Dagdag pa niya na very confident ang pamunuan ng Kapuso Network na ang tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal ay ang pinaka-hottest item sa showbiz right now.
Paliwanag ni Ms. Cheryl, "We're counting on at least 30% na ng audience [share]. Kasi na-reach ng
Dapat Ka Bang Mahalin? 'yung 32%, tapos consistent siya sa high 20%, madalas din may 30s siya. So we're hoping na at least 'yung mga 30% na base audience namin dun [ay] lilipat rin sa prime time.
"Plus siyempre, applied learnings din. Kasi coming from mga shows namin sa prime time dati—kung ano pa 'yung kulang na elements sa
Dapat Ka Bang Mahalin, 'yun ang dinagdag namin. Hopefully, lahat sila, lahat ng segment ng audience [makuha namin]. Kasi sa prime time mas wide ang audience, 'di ba? Hopefully lahat 'yun ma-cater namin 'yung gusto nila."
May panibago bang aabangan ang audience sa prime time show na ito?

"Kung ano 'yung mga elements na nagustuhan nila sa
Dapat Ka Bang Mahalin? [andito]" ang sagot ni Ms. Cheryl. "Kasi we thought na ang major na nagustuhan ng audience dun ay 'yung relatable na story. Kasi puedeng hindi ikaw, pero puedeng 'yung kapatid mo, anak mo. Young marriage 'yun, di ba? So dito ginawa namin mas domestic 'yung issues pa rin. Pero siyempre, 'yung love story, na napaka-basic naman nun, hindi pa rin siya mawawala."
Dagdag pa niya, "Hindi siguro na kakaiba na hindi pa nila nakikita dati, pero mas nilawakan pa namin ang scope niya. Mas malaki ang budget. Mas maraming resources na pi-nour in. Visually, mas rich 'yung makikita nila. Hindi lang ito—kasi sa afternoon 'yung audience namin [karaminhan] housewives, 'tsaka nakapull-in kami ng mga teens. Eto, pati kids talaga from 2 to 12 tina-target din namin kaya nagdagdag kami ng bata sa cast. Tapos 'yung housewives, meroon kaming mga senior stars. 'Yung mga teens naman, Aljur and Kris. So covered 'yun lahat."
Ang bati ni Ms. Cheryl sa mga fans na siguradong tatangkilik sa
All My Life?
"Thank you so much sa supporta niyo parati!"
Siguradong magiging absorbed na naman kayo sa panibagong istorya kung saan ang Royal Couple ng Dramarama ay nasa Telebabad na!
Pag-usapan ang panibagong Aljur-Kris prime time show! Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register
here!