Article Inside Page
Showbiz News
Matagal nang wala sa limelight ang 'StarStruck 4' Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische.
Matagal nang wala sa limelight ang 'StarStruck 4' Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische. After her stint in 'Kamandag,' hindi namin alam kung ano na ang nanyari sa career ni Jewel. But recently, lumabas ang young actress sa 'Dear Friend' at naging active na ulit sa mga events ng GMA Artist Center. Ano nga ba ang nanyari kay Jewel at bigla siyang nawala? Text by Loretta G. Ramirez. Photo by Connie M. Tungul
"I would want to say that I really really really miss working," pahayag ni Jewel Mische nang makausap siya ng iGMA recently.

After ng pictorial niya sa GMA Artist Center, nakausap namin si Jewel at kinamusta. Tinanong din namin kung ano nga ba ang nangyari sa kanyang career at bigla siyang nawala sa limelight.
"What happened was right after
Kamandag, it was me, I had a meeting with Tita Wilma (Galvante) and it was me who told her that I want some time for my school," ang kuwento ng young actress.
Inamin niya na she was busy with her schooling nang mga panahon 'yun dahil she really wanted to be a pilot.
"That’s what made me busy, nung time na 'yun. Then, I was suppose to do some projects, [but] for some reason I didn’t—for some reason I don’t know," ang pagtutuloy pa ni Jewel.
Now that she wants to return sa showbiz, ano nga ba ang balak niya?
"I’m up to anything right now pero I would like to keep, of course, 'yung status ko na 'yung wholesome, wholesome talaga."
After Richard Gutierrez, okay lang ba sa kanya na makapareha ang ibang leading men ng Kapuso network?
"Parang siya yung first and last, noh (laughs)? I would be willing naman to be paired with with anyone as long as babagay din sa aming dalawa 'yung role—kung sino man siya—at kung babagay sa amin 'yung project. Hindi lang naman din nakasalalay sa aming dalawa lang kung magwo-work 'yung tandem, 'di ba?"
At present, gustong-gusto niya nang magwork ulit at maging active sa showbiz: "Sana naman talaga magkaron na 'ko ng next project."
Sa huli, nagpasalamat siya sa suporta ng mga fans niya na kahit hindi siya naging active recently, nandun pa rin sila to support her.
"Maraming-maraming salamat! Sana hindi sila magsawa and kahit naman hindi nila 'ko nakikita, I still have my blog, my online blog that they can check out. And I want to keep in touch with them!" pagtatapos niya.
And more good news sa mga fans ni Jewel! On July 17, 2009, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. (Philippine time), Jewel Mische will be online through the iGMA Live Chat. Kasama niya ang fellow
StarStruck graduate na si Stef Prescott para makapagbonding sa mga online fans nila. To join this event, log on www.igma.tv/livechat for details.
Pag-usapan ang pagbabalik ni Jewel Micshe sa showbiz sa iGMA Forum.