Article Inside Page
Showbiz News
Isa sa mga bagong Kapuso kontrabida si Arci Munoz at sa 'Ngayon at Kailanman', pinatunayan niya na ready na siyang makipagsabayan sa mga eksena.
Sa mga huling tagpo ng paborito nating SineNovela, ‘Ngayon At Kailanman’, ang katauhan ni Donna Benitez ang tanging masasabi natin na punong-puno ng muhi at galit. At para naman kay Arci Muñoz she would have it no other way. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

"Pumangit ako dito at natapunan ng asido, at first time ko talaga na nag-prosthetics. Actually, mas gusto ko ‘yun para hindi ako nagme-make up!" ang bulalas ni Arci Muñoz sa amin nang makausap namin sa set ng drama na
Ngayon At Kailanman.
Ngunit, pansin na pansin namin na kahit na gaano kabigat ang mga eksena nila ni Ayra, as effectively portrayed by Heart Evangelista, pagkatapos ng take ay bumabalik si Arci sa pagiging gregarious at mapagbiro.
"Sobra! Sabi nga nila, nakikita nilang nage-enjoy ako. Enjoy talaga akong maging kontrabida, overwhelming na ang mga reaction ng mga tao," sagot naman niya nang aming mabanggit ito.
Sa dami ng mga nakukuhang positive comments ni Arci sa kanyang portrayal kay Donna, ano pa ba ang ginagawa niya para mas maging maganda pa rin ang kanyang pagganap sa kanyang character?
"Nanonood lang ako ng mga kontrabida dati. Basta wala akong iniisip na may kagalit ako at wala naman akong kaaway." tugon niya. "Sa iyakan pa, doon ka pa makakaisip ng may iiyakan ka. Pero pag ito, pag kontrabida, wala eh. Siguro, kontrabida talaga ako sa totoong buhay!"
At dahil sa tuwa niya sa role na ito, hindi nakakagulat na gusto pa rin niyang gumanap bilang kaaway ng bida muli sa mga susunod na projects niya.
"Sana naman! Hindi ko tatanggihan ‘yun, ako talaga, as long as may magbibigay sa akin. Kahit anong role pa ‘yun. Pero ngayon sobrang na e-enjoy ko ‘yung pagko-kontrabida," sambit ni Arci. "Mas gusto ko ‘yun, simula noong dati sinasabi ko naman na mas gusto kong role na nanga-away ako!"
Inamin pa niya na minsan she gets carried away sa mga scenes nila ni Heart kaya naman tinanong namin siya kung kamusta ang rapport niya with her other co-stars. Ang kwento niya: "Okey, sobrang gaan kong katrabaho. Pero kami one time nagkaroon kami ng eksena, sobrang nadala kami. Nagsasabunutan kami tapos nadulas ako at naka-heels [pa] ako. Masakit!"
And with the entry of Ms. Yayo Aguila into the story, si Arci din ang tuwang-tuwa at nadagdagan ang kanyang ka-bonding. "Mas nakakatuwa ngayon at nandito si Tita Yayo. Siya ang lagi kong ka-kwentuhan at lagi kong nakakasama," Arci revealed.
So, kamusta na ba talaga ang panibago nating Kapuso kontrabida? Sagot ni Arci, "Ang dami ko nang naagaw, pero si Edwin (JC de Vera) hindi ko pa rin nakukuha!"
Pagusapan pagkokontrabida ni Arci Ngayon At Kailanman. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Arci via Fanatxt! Text ARCI [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS ARCI and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.